Kabanata 92 Luna POV Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang pagod ko siguro kahapon ay nagdirediretso na ang tulog ko, nagising na lang ako ngayong maga na kumakalam ang sikmura ko at may gusto akong kainin. Hindi naman na kasi ako nakakain ng hapunan dahil na rin nakatulog nga ako at ngayong maga na ako nagising. Biglang hinanap ng tyan ko ang pagkain at parang gusto kong kumain ng madami ngayon dahil sa gutom ko. Bumangon na ako sa higaan ko at nag ayos ng sarili saka lumabas ng kwarto ko, naabutan ko si Lance na kakalabas lang din n’ya ng kwarto n’ya. Dumiretso ako sa kusina at hindi ko na s’ya pinansin dahil nagugutom na talaga ako. Pagdating ko sa kusina ay dumiretso agad ako para maghanap ng pagkain namin pero nanlumo lang ako ng wala akong makitang gusto kong iluto, wala na

