FRITS'S P.O.V. "Frits!" Habol na tawag sa'kin ni Menona habang papalabas ako ng kumpanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ako ng kotse. Mabilis kong pinagtakbo iyon palayo. "f**k!" Na-ihampas ko pa ang isang kamay ko sa manibela habang nagda-drive. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong galit sa lalaking si Zyrus. Bakit gano'n na lang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong may ibang lalaking nagpapasaya kay Ally. Kahit ang sarili ko hindi ko na ma-intindihan. Napadpad ako sa simbahan at doon ako nagpalipas ng oras. Hanggang bumalik sa isip ko ang pag-uusap namin ng mga anak ni Ally. Tinawag nila akong Daddy. "Hindi kaya ako ang totoong Daddy nila?" Simula ng magising ako mula sa pagkakasakit naging magulo na ang lahat sa'kin. Ka-apelyido ko si Allyson. At an