KABANATA 23 FRITS'S P.O.V. NAGISING ako na wala sa tabi ko si Ally, kaya naman napilitan akong bumangon kahit inaantok pa ako. Hinanap ko siya sa banyo ngunit wala siya. Kaya naman lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Hanggang sa makarating ako sa kusina. Nakita ko siyang abala sa pagluluto kaya naman lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likuran. "Good morning, Wife ko." Hinalikan ko pa siya sa leeg. Ngumiti siya sa'kin at saglit na huminto sa ginagawa. "Good morning, Husbie ko." Sagot niya sa'kin. Sumilay ang mga ngiti ko sa labi ng marinig ko sa kanya ang salitang iyon. Pakiramdam ko masyado kong na-miss ang mga katagang iyon. "Bakit hindi mo ako ginising? Ako na sana ang nagluto ng breakfast ng mga anak natin." Tumingala sa'kin si Ally dahil sa matangkad ako. Pagkata