Damzel KINAUMAGAHAN matapos kong magising ay napatulala muna ako sa kisame ng ilang sandali. Kagabi ay late na ako nakatulog dahil sa kaiisip sa mga sinabi sa akin ni Dad. Ginagamit ko nga lang ba si King para makalimutan ko ang ginawa sa akin ni Zion? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Hindi ko na sinubukan pang tawagan si King kagabi o kahit i-text man lang. Hindi na rin naman siya nagparamdam pa sa akin. Ni hindi man lang siya nag-goodnight, my lady! Naghintay pa mandin ako! Tsk. Hindi ko alam kung maganda ba ang araw ko ngayon o mabigat. Pero bumangon na rin ako at kaagad na naligo sa banyo. Excited akong makaalis kaagad ng bahay dahil si King lang ang kasama ko sa kotse at sa pagpasok sa opisina. Matapos ko namang maligo ay kaagad din akong nag-ayos ng sarili ko. Naghanap ako ng