Damzel NAGING MASIGLA at magana ang pagtatrabaho ko sa buong maghapon. Si King na muna ang humalili kay Eunah dahil ang magaling ko ngang kapatid ay kinuha ang secretary ko. Isinama niya ito sa isang seminar sa Baguio na related sa healthcare and hospital management. Three days silang mamamalagi doon. Kanina ay tinawagan ko si Eunah at sinabi kong magsumbong sa akin kapag may ginawang hindi maganda sa kanya ang kapatid ko. Umoo naman ang secretary ko. Pinayuhan ko din siya na makinig ding mabuti sa seminar para marami din siyang matutunan. Sa susunod na seminar na lamang ako dadalo dahil hindi kami pwedeng magsabay ni Damiel na iiwan ang opisina. Sa King na ngayon ang sumasagot sa mga tawag, emails, at humaharap sa mga empleyado na may kailangan sa akin. "Napagod ka ba?" nakangiti ko