Damzel ROLEX na lamang ang napili kong iregalo para sa mga pinsan ko. Pare-parehong style and design na lamang ang binili ko para sa mga boys, pero magkakaiba ng color at ibang style and color din para kay Liana. Si King na ang bumitbit ng malaking paper bag bago kami naglakad-lakad muli. Ngunit bigla akong napahinto nang makasalubong naming bigla si Penelope kasama ang isa sa mga pinsan na lalaki ni Zion, si Jude. May hitsura din ito at mas bata lang ng isang taon kay Zion. Mukhang siya naman ang nilalandi ngayon ni Penelope. Nakahawak pa siya sa braso nito. Napakalandi naman pala talaga niya. Magpinsan ang target. Iba din. "Nandito ka pala." Tumaas ang isa niyang kilay nang makita niya rin kami. Napatitig din siya sa kamay kong nakasabit din sa braso ni King. Tumingala din siya kay