Liezel Irene Briones Lagria INILAPAG ko ang isang pumpon ng white roses sa gilid ng lapida ni mama Irene. Si Damien naman ang nagsindi ng isang kandila sa ibaba nito. Kasalukuyan kaming nakaupo sa harap ng puntod niya. May nakalatag kaming sapin at may kaunti ring pagkain. Ito pa lamang ang kauna-unahang beses kong makakaharap ang mama ng mahal kong asawa. Katatapos lang ng kasal namin kahapon at ngayon ay nakaplano kaming magtungo sa Delavega Island para doon mag-honeymoon. Pero bago 'yon ay niyaya muna ako ni Damien na dumaan sa kanyang ina. "Do you see her, Mom?" tanong ni Damien sa kanyang ina, bago siya lumingon sa akin. "Come on, darling." Hinila niya ako at dinala sa kandungan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit sa harapan ng mama niya. Hindi ko naman mapigilang maging emos