Liezel KINAGABIHAN ay na-overwhelm ako ng sobra nang mainit nila akong tanggapin sa pamilya nila. Nakaharap ko na rin si Mr. David Delavega at asawa nitong si Mrs. Wilma Delavega. Kumpleto rin ang lahat ng mga kapatid ni Damien, pati na rin ang mga asawa at mga anak nila dito. Nagkaroon kami ng masayang salo-salo sa buong mansion. Hindi na magkasya sa dining room ang lahat dahil sa dami kaya kalat-kalat na ang lahat, lalo na ang mga bata. Nakakatuwa ang mga bata, at mahilig din pala si Damien sa kanila. Nakita ko kung paano niya sila buhatin, laruin at lambing-lambingin. Nai-imagine ko tuloy kapag naririyan na ang mga anak namin. Siguradong magiging napakabuti niyang ama sa kanila. Inabot ng hatinggabi ang bonding moments ng lahat. Dito na rin kami natulog ni Damien. Napasok ko rin sa