Liezel "Your hands are cold." Napalingon ako kay darling dahil sa sinabi niya. Nakayakap sa akin ang isa niyang braso at pareho niyang hawak ang mga kamay kong totoo ngang nanlalamig. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa sasakyan at bumibiyahe patungo sa mansion nila sa Pasig. Halo-halo ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Excited ako pero mas lamang ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin ngayon at kung matatanggap ba nila ako. Isa lang naman akong hamak na makeup artist habang sila ay nangungunang pinakamayamang pamilya sa bansang ito. Alam kong marami sa kanila ay nakita na ako kahit hindi naman ako dumadalo sa mga events at parties nila. "Are you nervous?" Binigyan ako ng nakakalokong ngiti ng asawa ko. Tinusok ko naman siya sa tagiliran niya d