Liezel ILANG ULIT akong huminga ng malalim habang pinagmamasdan ang hitsura ko sa salamin. Isang simple at disenteng dress ang isinuot ko ngayon. Kinakabahan ako dahil makakaharap ko na ngayon ang pamilya ni Damien, hindi bilang makeup artist kundi bilang fiancée niya. Oo, dadalhin na niya ako ngayong araw na ito sa mansion nila. Lumipas na ang isang buwan. Isang buwan na rin buhat noong buksan ni tatay ang Vulcanizing shop niya, at ngayon nga ay maayos na niya itong pinatatakbo. Unang araw pa lang noon ay dinagsa kaagad ito ng mga motorista. At hanggang ngayon ay pumipila ang mga sasakyang nagpapagawa sa kanya. Tama nga na napakaganda ng pwestong nabili nila ni Joel. Hanggang ngayon ay palihim pa ring binabantayan ng mga tao ni Damien si tatay para sa kaligtasan nito. Ganun din ang m