On the other hand, Carlene’s group with Sheryll was mocking and backstabbing both Joyce and Vien… “Kita mo ‘yung itsura nilang dalawa kanina nang makitang umalis tayo ng classroom at sumama ka sa amin, Sheryll? Grabe! Para silang mga naagawan ng barbie dolls!” tatawa-tawang sinabi ni Jezza. “Oo nga! For sure, nagsisimula nang malungkot at manghinayang ‘yung mga ‘yon ngayon for losing you as their best friend. Ang insensitive naman kasi talaga nila! Ikaw ba namang iwan-iwanan na lang at hindi pahalagahan!” gatong pa ni Stacy. “If I were on your shoes, I would also do the same na lumayo sa mga toxic friends na kagaya nila, Sheryll. Tama lang ang ginawa mo na sa amin ka na ngayon sumasama at iniiwasan mo na sila,” Carlene spoke, too. Sheryll smiled in victory while nodding at the words of