Sheryll looked away and tilted her head. “Hindi pa ba obvious? Ayoko nang maging kaibigan pa kayo! Kayong dalawa! Ayoko na sa inyo!” Nuon labis na natigilan at nasaktan pareho sina Joyce at Vien. Grabe! Sheryll was very harsh in saying it to their faces! Gayunpama’y ginusto naman nilang marinig ‘yon, and that was the reason. Ayaw na ni Sheryll na maging kaibigan pa sila! Then let that be! “Gano’n ba, Sheryll? Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mong ‘yan? As in, final na?” Malamig na tumangu-tango si Sheryll sa tanong ni Joyce habang hindi makatingin sa mga mata ng dalawang dating mga kaibigan. “Kung gano’n, edi sige! Hahayaan ka na namin at hindi ka na namin kukulitin o guguluhin. Huwag ka ring mag-alala, hindi ka na namin lalapitan pa kasi ‘yon naman talaga ang gusto mo, ‘di ba? Ang