Nagkataon na ibang-iba talaga sila ni Joyce ng personality at taste pero nag-click naman ang friendship nila. Ganoon talaga siguro, differences. It's about accepting not only yourself but also people around you, kaya nga hanga din talaga siya sa kaibigang ito sa natatanging confidence nito sa sarili at pagpapa-sexy na hindi ito nahihiya o nai-intimidate kahit na kanino. For some other, it takes too long to even gain that kind of self-esteem, but for Joyce? She walks it like she owns the world! Wows the crowd. "Ang mabuti pa'y halika na, mag-pratice na lang tayo, friend!" Tumayo na ito at hinila siya papunta sa pool. Tumangu-tango siya't nagpatianod. "Buti pa nga!" Nang papababa sila sa may tubig, napatingin siya sa mga kaklase na parang mga batang naglalaro doon sa gitna. Portioned lang