Tawa nang tawa si Joyce sa pantitrip, pati si Vien ay nahahawa at ngingisi-ngisi sa pinaggagagawa ng liberated na kaibigan. Si Sheryll kasi 'yung tipo ng babaeng ayaw na nahahawakan lalo na sa mga sensitibong bahagi ng katawan nito. Masyadong aloof at sheltered sa sarili, kaya itong si Joyce madalas na asarin at pagtripan ang kaibigan. "Ang manyak mo! Kababaeng tao, nanantsing!" inis na sabi ni Sheryll dito. Patuloy na ngumiti ng nakakaloko si Joyce at nag-amba pa ngang manghahawak ulit pero ng dibdib na sa pagkakataong ito kaya si Sheryll hayan at todo layo. Nang medyo mapikon na'y madaling dumampot ang huli ng tabo sa drum na may lamang tubig. Nuon natinag si Joyce pero nakahalakhak pa rin. "Uy, wala namang basaan, Sheryll!" "Isa pang hawak at lapit sa akin, Joyce, bubuhusan talaga