20- "Lifetime friendship."

1052 Words

Si Vien nga ang sumagot sa huli, pinagtatanggol si Joyce. "Eh, alangan naman kasing si Joyce ang mag-a-adjust para lang makapasa sa panlasa at standards nila? Kung gusto niyang magsuot ng revealing, ano bang paki nila! Si Joyce naman ang nagsusuot at hindi sila!" "Wala naman akong sinasabing mag-adjust si Joyce kung gusto talagang laging magpa-sexy pero sana ibagay din naman sa okasyon, and with moderation," mahinahong sabat ni Sheryll sa kanya. Minabuti ngang pumagitna ni Joyce bago pa sila mauwi sa malaking pagtatalo. "Huwag na nga kayong mag-away na dalawa diyan. Hayaan niyo na lang ang mga inggit at judgemental sa tabi-tabi! Wala naman silang magagawa kung ganito talaga ako magdamit, eh." Nag-lie low si Vien. Kabaliktaran naman nu'n si Sheryll na para bang mas lalo lang naasar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD