"Tristann?" "Hello, S-abrina…" Maging ang boses niya'y hindi na rin niya maitawid sa sobrang kalasingan. "Hello? Ba't ganyan ang boses mo, Tristann? Lasing ka ba?" "Sab, I n-eed s-omeone to t-alk to, puwede ka ba?" Hindi na niya napigilan ang sarili at para siyang siraulong bata na humihikbi sa pag-iyak at nasisinghot ang sipon sa kanyang ilong. Nag-alala naman ito. Magkaibigan na sila. Will even soon be business partners, kaya maari ba naman siyang pabayaan ng dalaga! "May problema ka ba? Nasa'n ka? Pupuntahan kita." He told her about the bar. Alam na kaagad nito kung saan siya pupuntahan at nagmadali na rin. Mas naunang dumating si Sabrina kaysa kay Vien sapagkat si Sabrina kasi ay nagpupunta din sa bar dala ng impluwensya ng mga beking kaibigan na mahilig sa party-party at madala