May kung anong kirot siyang nadama sa kanyang dibdib lalo pa't kapag paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang senaryong 'yon kanina sa bar kung saan hinalikan ni Tristann si Sabrina sa mga labi. Nagising kinabukasan si Vien na wala na ulit si Tristann sa tabi niya. As expected, umalis ito ng maaga pa ng walang paalam, without even any trace. Mabigat ang loob na tumungo na lamang siya sa bathroom at naghanda sa kanyang pagligo, pag-aayos, at pag-alis upang tumungo na rin sa trabaho. Truthfully speaking, masakit pa rin ang ulo ni Tristann sa hangover sa dami ng mga nainom nang nakaraang gabi at mabigat pa rin ang katawan nito pagkagising ngunit pinilit lang nitong maligo, mag-ayos at umalis na kaagad lalo pa't hindi pa rin naman sila in good terms na mag-asawa simula ng gulong nangyar