"But, Miss, I insist. Hindi ako makakatulog kung patuloy akong magi-guilty na wala man lang akong nagawa para makabawi sa damage na dinulot ko." And because he insisted, hayun na nga't nadala ang mga sasakyan nila sa kakilala ni Tristann na may-ari ng isang trusted at binabalik-balikang repair shop ng mga suki na ring kliyente tulad na lang niya. "Pasensya ka na ulit at naabala ka pa, ah?" muli ay paghingi niya ng paumanhin sa babae nang balikan niya ito at nakaupo ito roon sa waiting bench ng repair shop. Sandali kasi silang nag-usap nu'ng mekaniko sa loob kaya iniwan sandali niya dito sa labas, pero hindi rin naman nagtagal at binalikan ulit niya. "No. It's alright. Katulad nga ng sinabi ko kanina'y walang may gusto ng nangyari. Surely, you didn't do it intentionally, right?" "Siyem