"Wow! Thanks! Eh, ikaw? Baka gusto mo ring magpa-hair color or treatment?" Talagang napahalakhak na ito, natutuwa. "Hindi na. Hindi ako mahilig sa ganyan, eh. I simply want my hair to be black and neat. Ayoko sa mga hair color na 'yan. No offense meant ha." Nakangiti at nakakaintinding tumangu-tango naman siya. "Of course, I get it. May mga lalaki talagang hindi mahilig umarte sa mga buhok nila at mayroon din namang mga mahihilig, so, fair lang. And as I can observe, you prefer to be simple and formal." "You got it right." Nakarating sila sa tapat ng salon. "Gusto mo bang bumaba muna at magkape sa loob? 'Lika," pagyayaya niya. He politely refused. "Huwag na. Aalis na rin naman ako." "Gano'n ba? Salamat ulit sa paghatid, Tristann, ha?" He smiled and coolly tilted his head. "No probl