"Sabrina, sandali!" Mabilis na hinabol ni Tristann ang babae nang makita niya ito at alam niyang nakita din siya nito. Nagkatinginan pa nga sila ng mata sa mata, eh, at bahagya itong nabigla nang makita siya pero sa hindi malamang kadahilanan ay bigla itong umiwas ng tingin at tumalikod saka nagmamadaling naglakad palayo na para bang umiiwas. "Sabrina, hey!" Marahang hinarangan niya ang daraanan nito. Nang araw na 'yon ay weekend ay walang trabaho at mag-isa siyang nagliliwaliw sa mall. Actually, may plano silang magkita ng kaibigang si Darren to catch up at magkamustahan, pero heto nga't nauna siyang dumating at namasyal na muna sa kung saan hanggang sa mamataan ang kaibigang si Sabrina. "Alam kong nakita mo 'ko. Ba't bigla ka namang tumalikod at nagmamadaling umalis? Iniiwasan mo ba