"Good morning!" masaya kong bati sa kanila at tuluyan ko ng hinila si Mclaren patungo sa hapagkainan. Pero hindi sila umimik. "Oh are you done having breakfast? Where're you going?" nagtataka kong tanong kay Silver at Aegia na biglang tumayo nang kami ni Mc ay umupo na sa harap ng hapagkainan. "Matutulog!!" sabay na sagot ng dalawa habang may matalim na tingin sa aming dalawa ni Mc bago sila tuluyang lumabas ng kusina. "Problema ng dalawang 'yun?" nakanguso kong tanong habang habol ko sila ng tingin. "Huwag mong intindihin ang dalawang 'yun. Kulang lang sa tulog ang mga 'yun. Kumain na kayo oh," sagot ni mommy sabay lapag sa aming harapan ng isang bandehadong puno ng sinangag na kanin. "Thank you, mom." I smiled at my Mommy. I really miss her dishes. Ang pagsisilbi at pag-aalaga niy