"Good morning." Ilang maliliit na halik ang nararamdaman ko sa aking mukha. "Hmmmnnn.." tanging pag-ungol lang ang aking isinagot dahil hinihila pa rin ako ng matinding antok. "Baby, wake up. Tanghali na." "Hmmmnn.." "Magbilad tayong dalawa sa araw. That will be good for you." "Hmmn...antok pa 'ko." "I'll carry you." Naramdaman ko ang mga brasong bumalot sa aking katawan kasabay ng malakas na pagbuhat sa akin at pakiramdam na parang idinuduyan. Pagod na pagod ako at puyat na puyat dahil halos madaling araw na kami natapos ni Mclaren kagabi. Siguro ay nakatatlong climax din siya. 'Di ko na matandaan. Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng bahagyang init na dumapo sa aking balat. Antok na antok kong iminulat ang aking mga mata at kita kong nasa balcony na kami habang ako ay kaniya p