SAM POV "Let's go inside?" Zack asked me. I nod and let him hold my hand. Masayang naglakad kami papunta sa loob ng bahay nila Zack. Naisipan naming bisitahin sila mommy marian. Nauna ng pumasok sa loob ng bahay ang anak ko. Matagal na rin magmula ng huling bumisita kami sa kanila. Alam kong miss na miss na nila ang kanilang apo. Napag-usapan din namin ni Zack na kung pwede bukas ay sa parents ko naman. Pagkapasok namin sa loob ay sinalubungan kami ng yakap ng pamilya ni Zack. "Mabuti at nakarating kayo." Masayang saad ni mommy marian. Sinulyapan ko si Zack. "Pasensya na po kayo naging busy po kasi kami walang time para bumista sa inyo." Paliwanag ko. "It's okay iha. Naiintindihan namin, ang mahalaga nandito kayo." Dinala kami ni mommy marian sa salas at doon nagkaroon ng ko