SAM POV Seryosong nakatingin ako kay Zack. Kakasakay lang namin ng sasakyan. Nagpacheck-up ako at nagpaultrasound para malaman kung ano ang gender ni baby. Nalaman namin na magkakaroon kami ng baby boy. Hanggang matapos ang check-up sa akin ay walang imik lang sa tabi ko si Zack. Di ko alam kung ano ang dapat na isipin. What if naisip n'yang ayaw niya sa bata? May namumuong hinala sa isip ko dahil sa kinikilos ni Zack. Napatingin ako sa bintana ng sasakyan. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Zack. Pinagsiklob niya ang mga kamay namin. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Matamis itong ngumiti sa akin. Napahawak ako sa tyan ko at nag-baba ng tingin. Iniangat niya ang mukha ko para matitigan niya. May namumuong luha sa mga mata ni Zack. "Thank you.." he said. "For what?"