MAAGANG nagising si Candy. Dumiretso agad siya sa banyo upang maghilamos ng mukha at ayusin ang sarili. Gusto niyang humarap kay Mhorric na presentable ang hitsura at hindi mukhang bruha. Maaga kung magbukas sila ng tindahan. At iyon ang balak niyang gawin, ang buksan ang tindahan nila. Gusto rin sana niyang silipin si Mhorric kung gising na ba ito o hindi pa. Piping hiling niya na sana ay maayos ang naging pagtulog nito sa nakalipas na magdamag. Gising na ang kaniyang ina na abala sa kusina. Si Avery at Henrick ay gising na rin para maligo. Nasa high school na kasi ang mga ito. Sina Margaux at Angel Rose naman ay mamaya pa ang pasok kaya hindi nakikipagsabayan sa mga bunso nila na maaga ang simula ng klase. Hindi na niya inabala ang kaniyang ina sa kusina at dumiretso na papunta sa lab