GANOON na lamang ang pagbalot ng pag-aalala kay Candy dahil sa walang humpay na pagpatak ng ulan nang gabing iyon. Nasa may salas siya nang mga sandaling iyon at nakatayo malapit sa may pinto. Napakislot siya nang biglang may humawak sa kaniyang balikat. Nalingunan niya ang kaniyang Tatay Henry. Inabot pa nito sa kaniya ang isang payong. “Puntahan mo si Mhorric sa labas para hindi ka nag-aalala rito.” “Pero, ‘Tay—” “Malaki ka na anak,” nakangiti nitong wika bago siya iniwan sa salas at bumalik sa loob ng silid nito at ng kaniyang ina. Para bang sapat na ang salita ng kaniyang ama para mabawasan ng tuluyan ang pag-aalala niya para sa binata. Hindi naman talaga maikakaila ang pag-aalala niya para kay Mhorric. Kung okay lang ba ito roon? Napatingin siya sa hawak na payong. Binigyan siya