Chapter 5
ASHLEY'S POV
"Drake." Napa piyok ko na lamang na tawag sakanyang pangalan.
Umaapaw ang matinding takot at kilabot na sa buong katawan kong tumitig sa galit at napaka dilim ng mustra ng mukha nito.
Walang salita lamang si Drake subalit, makikita mo naman ang panglilisik ng mata nitong hinahatak ang pulsuhan ko na sumunod sakanya.
"Halika na sabi, sumama kana sa akin!" Puno ng gigil nitong asik na nakikipag hatakan rin ako, na palatandaan na ayaw sumama sakanya. Napaka bigat na nang aking dibdib, at natatakot ako sa posibleng kahahantungan ko pag katapos nito.
"A-Ayaw kong sumama sa'y—-" hindi ko na lamang natapos pa ang anumang sasabihin ko nang gumuhit ang malamig na yumakap sa aking buong katawan na may humawak na lamang sa kabila kong pulsuhan, na kina-lingon ko naman at hawak na pala ng estrangherong lalaki iyon.
"Sandali lang." Malamig na wika at sa simpleng pag titig na pinukulan kay Drake kay talim at hindi man lang nag paninindak.
Mamasa-masa na ang aking mata na kina-titig naman sa mustra ng mukha ni Drake na walang imik subalit may pag babanta doon,
"Huwag mong pilitin kong ayaw sumama sa'yo ang babae." Kalmado lamang na wika na kina-igting naman ng panga ni Drake, na hindi nagustuhan kong ano man ang nariririnig mula sa lalaki. "Respituhin mo na lang kong ayaw niya sa'yong sumama, kong meron ka no'n sakanya." May kahulugan at laman na tinig nito, at sa isang iglap nabahiran ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Isang nakaka takot na ngisi na lamang ang pinakawala ni Drake at nilapit niya pa ang sarili sa lalaki, sa paraan na iyon nag kakasukatan na sila ng titig at alam ko sa sarili kong kailangan ko na silang mailayo sa isa't-isa.
Natatakot ako sa posibilidad na gawin ni Drake sa lalaki at ayaw ko rin siyang madamay dito.
Pasalin-salin na lang ang titig ko sakanilang dalawa, na sa bawat segundong lumipas lalong nararagdagan ang mainit na tensyon na anumang oras mag kakasuntukan na sila sa harapan ko.
"Huwag kang makialam dito, kong ayaw mong mapa dali ang buhay mo!" Puno ng diin na pag babanta ni Drake sa lalaki, na imbes masindak buong tapang siyang nakipag palitan ng matalim na titig din rito.
Gumalaw ang mata ni Drake at domoble ang galit sa mata, na hindi pa rin bumibitaw sa akin ang estrangherong lalaki. "Bitawan mo na siya, kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!"
Napa singhap na lamang ako na dumiin ng konti ang pag kahawak ni Drake sa pulsuhan ko, nandon ang pag pipigil at kontrol ng kanyang galit na nadarama.
"Talaga lang?" Mapag larong sagot nito. "Bibitawan ko siya, kapag nagawa mo na rin siyang bitawan. Sa lagay mo ngayon mukhang wala kang planong gawin iyon." Pag pipikon pa lalo ng lalaki na kina-igting ng panga ni Drake sa pag iinsulto nito sakanya.
Hindi ko na nakayanan pa ang salit-salitan nila ng sagutan na dalawa kaya't napa tingin na lang ako sa estrangherong lalaki. "B-Bitawan mo na ako, pakiusap." Mahinang bulong ko na lamang na basag na tinig at napa lingon naman sa akin ang estranghero, halatang gulat na gulat sa naging pakiusap ko. "S-Sasama na ako sakanya, pakiusap bitawan mo na ako." Mahinang wika ko na lamang na ginagawa ko ito hindi lamang sa ang hina-hina ko, kundi nilalayo ko lamang siya sa kapahamakan.
Alam ko ang kayang gawin ni Drake at ayaw kong pati rin siya madamay at mapahamak, kaya't kahit labag man sa akin matiwasay na lamang akong sasama sakanya kung ito lang ang mas makakabuti para sa aming lahat.
"P-Pero Mis---" mag sasalita pa sana siya na suminggit na ako.
"S-Sige na bitawan mo na ako." Hirap kong tinig. "Okay lang ako." Dumaplis na ang bakas na luha sa mata ko at napa tingin pa ito kay Drake na kay talim.
Nakita ko ang bakas na pag aalinlangan at labag sa kalooban nitong sundin ako subalit wala rin siyang magawa.
Unti-unting lumuwag ang pag kakahawak niya sa pulsuhan ko kaya't doon naman nag karoon si Drake ng pag kakataon na hilahin ako paalis sa lugar na iyon.
Patuloy lamang lumalandas ang bakas na luha sa mata ko na patuloy na kinaladkad ni Drake, at sa huling pag kakataon kina-sulyap ko naman ng tingin ang estrangherong lalaki na naka tayo pa rin at nakita ko ang pag sunod niya ng tingin sa aming dalawa palayo.
****
Patuloy lamang lumalandas ang luha sa mata ko na patuloy pa rin hatak-hatak ni Drake ang aking pulsuhan. Bumibigat na ang aking dibdib at ang puso ko naman parang tinaga nang paulit-ulit na makita na pinapanuod lamang ang malapad nitong likod, na kay diin niyang pag hawak sa pulsuhan ko, na nag titimpi lamang ito ng galit at emosyon.
Matagumpay niya akong dinala sa aming silid at kulang na lang tumalsik ako sa lakas nang impact na binitawan niya na lang ang pulsuhan ko. Mabuti na lang nabalanse ko ang katawan ko na hindi matumba sa kanyang ginawa, at nanginginig ang kalamnan kong tumingin sa galit at nakaka takot nitong itsura.
Nakita ko siyang naka tayo sa harapan ko, na para itong demonyo na nakaka kilabot na mapa-iyak pa ako nang husto.
"Drake." Garalgal ko na lamang na bigkas sa kanyang pangalan na manlabo na ang aking mata sa walang humpay na kakaiyak. Natatakot rin ako para sa aking sarili, sa anumang parusa na maari niyang ipadanas sa akin.
Natatakot ako para sa sarili kong saktan at pahirapan niya na naman ako.
"Akala ko, malinaw na sa'yo ang pinag uutos kong susunod ka sa mga batas ko!" Dumaongdong ang malakas at nakaka takot nitong sigaw na mapa-pikit na lang ako sa takot. Parang gripo lamang na umaagos ang luha sa mata ko na kahit anuman na pag pipigil iyon, parang may sariling buhay na kusa na lang pumapatak.
Pasugod naman na lumapit si Drake sa gawi ko, na manginig pa ako sa takot, pinili niyang huminto sa harapan ko at lakas loob naman akong tumingin sakanya. "Damn it! Pinag bigyan kita dahil gusto ng kalayaan, kaya't hinayaan kitang lumabas kasama sa palengkean tapos ito lang ang gagawin mo? Ang takasan muli ako?!" Napa singhap na lamang ako na marahas niyang hinablot ang aking braso at nilapit sakanya.
"D-Drake, ahh." Impit ko na lamang na unggol sa sakit na ngayo'y kay gigil at diin siyang naka hawak doon na babaliin niya iyon sa labis na galit na kanyang nadarama. Tanging hagulhol na lamang na pag iyak ang nagawa kong isagot dahil wala akong lakas ng loob na mag salita at ipag laban ang panig ko.
"B-Bakot hiniling ko ba na gawin mo ang bagay na iyon?" Hirap kong tinig na sinalubong ko ang nag babaga nitong mga mata. "Hindi ganun ang gusto kong kalayaan D-Drake, ang gusto kong kalayaan ang ang pakawalan mo na ako. Iyon ang g-gusto ko." Pumatak na naman ang luha sa pisngi ko na tumitig sa galit at walang emosyon niyang mukha.
Sobrang bigat na nang dibdib ko at hindi ko alam kong makakayanan ko pa bang kayanin ito.
"Never!" Nag tagis ang kanyang panga at nilapit niya pa ako sakanya kaya't nag tama ang katawan namin. "You're mine Ashely, akin ka lang, naiintindihan mo ako?" Uyam nitong tinig na mapa pikit na lamang ako sa takot.
"D-Drake." Impit kong tawag sa kanyang pangalan.
"Hindi ko hahayaan na maka alis ka pa sa puder at pag mamay-ari ko." Giit nitong asik na diniin niya pa ako sa kanyang katawan. "Papatayin ko lahat ng taong hahadlang mga plano ko." Asik niyang napa hiyaw na lamang ako na kay lakas niya akong tinulak na mapa higa na lamang ako sa kama.
"Ahh." Impit ko na lamang na iyak na nilalabas lahat ng sakit at bigat sa dibdib ko. Ramdam ko ang presinsiya ni Drake na naka tayo sa gilid ng kama at pag obserba niya lamang sa akin na para bang nasisiyahan siya sa kanyang ginagawa.
"Sa susunod na lumabag ka pa sa pinag uutos ko, hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin!" May pag babanta sa tinig nito kasunod no'n narinig ko ang yabag ng kanyang paa paalis ng silid na iyon.
Napa hagolhol na lamang ako sa pag iyak na pabagsak at pabalang niyang sinarhan ang pintuan na maka gawa iyon ng lakas at tunog na mag panikip sa aking dibdib.
Pag kasara ng pintuan, iyon din ang pakawala ng pag-asang makaka-alis pa ako sa lugar na ito.
Nanlabo na ang aking mata sa walang humpay na pag-iyak, niyakap ko ang aking sarili na patuloy pa rin humihikbi. "I-Itay." Impit ko na lamang na tawag sa taong alam kong minsan kong naging pamilya at karamay. "Ayaw ko na po dito, Itay. Gusto ko nang maka alis dito, asan na ba kasi kayo? Bakit niyo ako i-iniwan. Ayaw ko na, ayaw ko na po." Sunod-sunod na lang nag silaglagan ang luha sa mata ko.
Unti-unti nang bumigat ang talukap ng aking mata at hindi ko na namalayan na nilamon na ako ng antok.
Nagising na lamang ako na marinig ang mahinang katok mula sa pintuan, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at umupo sa malambot na kama.
Isang tahimik at madilim na kwarto ang sumalubong sa akin, yumakap ang matinding lungkot na ginagala ko ang mata ko sa bawat kanto ng silid.
Tanging ilaw lamang nag mula sa lampshade ang maging liwanag ng silid.
Naagaw lamang ang pansin ko na kusang bumukas ang pintuan ng kwarto namin ni Drake at kasunod ang mahinang yabag ng paa na pumasok. Nakita ko si Glorita at mainggat lamang ang kilos nito ang tray laman ng pag-kain na mag pagutom pa sa akin lalo.
“Dinalahan ko po kayo Señorita ng pag kain.” Anito na mainggat na nilapag sa ibabaw ng kama ang tray na dinala nito.
Mula sa aking pwesto kong saan ako naka pwesto, nasaksihan ko ang masarap at nakakatam na pag kain, na mag pakalam pa lalo ng sikmura ko subalit, gaano pa iyon kasarap wala rin naman akong ganang kainin iyon.
Nang mapansin siguro ni Glorita, na napa titig lamang ako doon at walang planong galawin na mag salita muli ito. “Kumain na po kayo Señorita, tiyak kong nagugutom na ho kayo. Pinag bilin rin ni Señorito, na kumain daw kayo ng marami dahil tiyak daw hong napagod kayo nang husto sa pamamasyal niyo ni Manang Puring sa palengkean kanina.” Malambing na pag kakasalita nito.
Imbes na sumagot at matuwa sa naging wika nito, galit at puot sa puso ko. “Wala akong ganang kumain. Ibalik mo na iyan sa ibaba dahil hindi ako nagugutom.”
“H-Ho?” Kahit na rin si Glorita nagulat rin sa binigkas ko. “Eh, kailangan niyo pong kumain Señorita at baka ho ako naman ang mapagalitan ni Señorito net——-“
“Wala akong pakialam sakanya!” Medyo tumaas ang aking boses at kahit na rin ang dalaga nagulat at hindi inaasahan ang pag sigaw ko. Naging mabigat na lamang ang pag hingga ko at gulong-gulo na napa sapo na lang sa aking mukha, na hindi alam ang nararapat gawin. “I’m so sorry,” mahinang bulong ko na lamang na sapat na ang lakas ng boses ko na marinig niya ang sinabi ko.
Sa isang iglap naging emosyonal akong muli at ang mata ko naman nabahiran ng lungkot at sakit. Pilit ko man maging matatag at kalimutan ang lahat pero bumabalik pa rin ang alala sa dibdib ko.
Paulit-ulit ko na lang araramdaman kong anong sakit ang binigay niya sa akin, na kahit ako mismo gusto ko nang makawala.
“I’m so sorry, hindi ko sinasadya na mapag taasan kita ng boses.” Salita ko na lamang na wika at kasabay ang pag init ng sulok ng mata ko. “Ang totoo talaga niyan, naguguluhan na ako Glorita, hindi k-ko alam ang gagawin ko.” Basag kong tinig at tumingin na lang sa dalaga na tahimik lamang naka tayo at nakikinig sa akin. “Hirap na hirap na a-ako dito, gusto ko lang naman ng kalayaan. Gusto kong maka alis na sa lugar na ito, pero hindi ko magawa dahil naka kulong ako sa lintik na Mansyon na ito!” Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapa hagolhol na lamang na mapa-iyak sa kanyang harapan.
Wasak na wasak na ang puso ko.
Pagod na pagod na ako.
Ang hiling ko lang naman na matapos na ang sakit at pag hihirap na naramdaman ko ngayon.
“Señorita.” Malambing na wika ni Glorita at hinawakan ang kamay ko.
“Glorita.” Tawag ko na umiiyak pa rin. “Tulungan mo akong maka alis dito, t-tulungan mo akong maka takas parang awa mo na.” Despirado kong tinig at hindi na ako nakapag isip ng matino at iyon na lamang ang unang sumagi sa isipan ko.
Bahagyang pinisil ni Glorita ang kamay ko na mapa anggat ng tingin sakanya. “Pasensiya na po Señorita.” Panimula nito. “Gustuhin ko man ho na tulungan kayo, pero wala rin akong magagawa. Napaka higpit po ng mga tauhan at nag babantay sa labas, at kahit tulungan ko kayo hindi rin tayo makaka alis dito dahil naka bantay si Señorita sa bawat kilos at galaw niyo at mahihirapan po tayo.” Ang salita ni Glorita ang kusang mag pabagsak ng aking balikat, nawalan ng pag-asang makakawala pa sa kanyang pag kakabihag.
Hindi na lang ako kumibo pero patuloy na lamang umaagos ang luha sa mata ko. Napaka hirap at sakit ng puso ko sa nangyari. “Alam kong nahihirapan na kayo Señorita, pero huwag sana kayong pag hinaan ng loob.” Pag hihinto nito ng sasabihin, na mapa titig na lang ako sakanya. “Huwag po kayong matakot siguro may dahilan naman siguro siya kong bakit niya ito ginagawa sainyo. Bakit hindi niyo po subukan Señorita, na buksan ang loob at kilalanin siya nang husto baka naman po mali lang kayo ng pag kakilala sakanya.” Maka hulugang tinig ni Glorita at bago pa ako makapag salita na bumitaw siya sa pag kakahawak sa kamay ko.
Ano daw?
Takang-taka akong tumitig sakanya at ang mukha nag iwan na lamang ng tandang pananong sa huling katagang kanyang binigkas.
“Anong i-ibig mong sabihin?”
Imbes sumagot sa akin ngumiti na lang si Glorita ng kay tamis at umayos ng tindig sa harapan ko. “Siya, maiwan ko na ho kayo Señorita,” nag vow lamang siya sa harapan ko at nag lakad na paalis at naiwan na lang ako sa silid na takang-taka at naguguluhan.
Anong ibig niyang sabihin doon?