Chapter 3
ASHLEY'S POV
"Sinong may sabi sainyo na pwede siyang lumabas ng pamamahay ko, huh?!" dumaongdong ang malakas at nakaka-takot na sigaw nito na sanhi'y lahat naman natigilan. Sa takot nilang lahat, niyuko nila ang kanilang mga ulo at iniiwasan na mag karoon ng eye contact sa galit na si Drake.
Sinilip ko sa tabi ko ang dalawang tauhan ni Drake sa isang tabi naka-posisyon na naka-tayo sa isang gilid, takot na takot sila at ayaw salubongin o makita ang nakaka takot na mukha ng kanilang Amo. Silang dalawang tauhan na sumama sa akin kanina sa farm at ganun rin si Manang Puring na takot na takot na.
Naririnig ko na ang malakas na pintig ng aking puso sa takot. Pasimple ko naman na tinignan si Drake at pinag pawisan ako ng malala na sumulyap siya ng tagos na titig na kaagad ko naman kina-iwas. Pinag lalaruan ko na ang kamay ko sa takot at nag darasal na lamang na hindi niya ako buntongan ng galit niya ngayon.
"Huh!" manunuya na napa-ngisi na lang si Drake at umigting ang panga na hindi sumagot at may nag salita man lamang. Mabigat ang yabag nito na tumigil sa harapan ng matanda, na dahan-dahan naman nito kina-anggat ng mukha. Pinag pawisan ito ng malala na bumunggad sakanya ang galit at nakakatakot na itsura ni Drake. "May maipapaliwanag ka ba, sa akin Manang?" uyam nitong wika.
"P-Pasensya na po Señorito, kong hindi ko po kaagad pinag paalam ang bagay na ito say-----"
"Shut it!" pag puputol ni Drake at uyam na dinuro ito. "Itikom mo ang bunganga mo. Ayaw ko nang maulit pa ito Manang at kung hindi, ako mismo ang lilitis sa'yo!" sindak nito na pag pawisan pa lalo ang matanda ng malamig.
"O-Opo, pasensiya na po talaga Sir," nauutal nitong wika, at naka hingga naman ito ng maluwag na tinuon ni Drake ang kanyang titig sa dalawang tauhan nito sa gilid lamang.
"Kayong dalawa, mag usap tayo pag dating sa Mansyon." Galit na pag babanta nito na kusa na lamang napa-vow ang dalawang tauhan na nakuha ang utos ng kanilang Amo.
Ang mabigat na yabag naman ni Drake tumigil sa harapan ko. "Get up," malamig na utos nito na nanatiling naka tayo sa harapan ko na may malamig na expression. "I said, get up!" parang hari na utos nito na dapat sundin.
Sa takot ko naman na galitin ito. Dahan-dahan akong kumilos na bumangon sa aking pag-kakaupo. Mainggat ang galaw ko at napa-daing na lang ako sa sakit na kumirot ang binti at balakang ko. "A-Aray," mamasa-masa ang mata ko sa sakit, na mukhang masama nga talaga ang pag kakabagsak ko kanina.
Matagumpay akong naka-tayo at hindi ko atang makakayang lumakad na mag-isa. Sa gilid naman ng mata ko, pinapanuod ako ni Drake at blangko pa din ang mata na makita ako nitong naka-tayo na tinalikuran na ako at simulang mauna na mag lakad.
Paika-ika akong kumilos at bawat hakbang ko ng paa ko, kumikirot at lumulukot na lang ang mukha ko sa sakit. Naka sunod na lamang si Manang at ang dalawang tauhan sa gilid ko at walang kibo pa rin. Nakikita ko sa kanilang mga mata na gusto nila akong tulungan pero takot lang talaga na galitin pa si Drake.
Mamasa-masa na ang mata ko sa sakit at hindi ko kaya atang mag lakad pa hanggang maka rating sa Mansyon. Humahapdi lamang ang balakang ko at tuhod ko na panigurado mag iiwan na iyon ng sugat.
Tumigil si Drake sa pag lalakad, nanatiling naka talikod pa rin. Napa-titig na lamang ako sa malapad nitong likod at kahit rin sila Manang kusa rin napa-hinto mukhang kabado sa biglang pag tigil na lamang ni Drake. Malamlam siyang humarap sa akin at tumitig lamang ako sa kanyang mga mata.
"Ahh f**k! Ang bagal-bagal mong kumilos," himutok nitong iritasyon na pinagalaw ang panga. Kinabahan pa ako nang husto na lumapit pa siya sa akin,
"B-Bakit?" nag tataka ko na lamang na tanong. Aaminin kong kinabahan at natakot ako nang husto. "May problema b---AHH!" Tili ko na lamang na sigaw na walang pag aalinlangan na kinarga niya ako ng walang kahirap-hirap at pinatong sa kanyang kaliwang balikat na para bang papel lamang. "Drake, anong ginagawa mo? B-Bitawan mo ako," namilog ang mata ko at nagulat sa kanyang ginawa.
Nag pumilglas ako na kumuwala sa kanyang pag kakarga at humigpit ang pag kakahawak nito sa akin para hindi lamang ako mahulog. "Tangina, huwag kang malikot at ihuhulog kita, diyan!" sindak nito at hindi man lamang nito ininda ang hampas at pag pupumiglas ko,
"Bitawan mo na ako, kaya ko naman mag lakad mag-isa," giit ko pa. "Bitawan mo na sabi ako, ano ba Drake,Ahh!" sigaw ko at namula ang mukha ko sa inis na hindi niya ako pinakinggan bagkus nag lakad na ito na bitbit pa rin ako.
**
"Glorita, bring the first aid kit right now!" malamig n autos ni Drake sa katulong na maka salubong namin ito sa pag pasok namin.
"Opo Señorito," taranta at takot na itong sumunod na.
Nag patuloy si Drake sa pag lalakad hanggang madako sa malawak na living area. Walang pag aalinlangan na binaba niya ako sa malambot na couch at inayos ko ang pag kakaupo ko at pati na rin ang medyo nagusot kong bestida. Hindi pa rin maalis ang malakas na kalabog ng dibdib ko na ngayon, naka tayo si Drake sa harapan ko at pinapakita ang blangkong expression.
Ilang sandali pa, rinig ko ang yabag ng paa papunta sa kinaroonan namin. Nag sitigil na naka posisyon nan aka tayo si Manang puring at kahit na rin ang dalawang tauhan na kasama namin kanina.
Mga ilang minuto pa ang lumipas, ay narinig ko na ang yabag ng mga paa ni Manang Puring at yong dalawang guards papunta sa kinaroroonan namin ni Drake. Naka-yuko na ang kanilang ulo at takot na takot na mapagalitan.
Pinadaanan lamang ni Drake na masamang pag titig ang tatlo. "Kayong tatlo. Go to my office right now, we will talked after this!" madiin na wika ni Drake, na kahit hindi man umbukin, pinaringgan nito ang tatlo na kasama ko kanina.
"Opo Señorito," mahina nilang wika at yumukod pa ng konti para mag bigay galang at respito man lang sa kanilang Boss. Katahimikan ang sumunod at nag lakad na silang tatlo paalis at kaming dalawa na lamang ni Drake ang naiwan.
Pasimple kong sinilip sila nag lakad paalis, bagsak ang balikat at hindi talaga maitago ang takot sa kanilang mukha na mamaya hahatulan sila ni Drake. Napa tigil na lamang ako na sa gilid ng mata ko, nakita ko ang umaapoy na pag titig sa akin ng binata kaya't napa baling naman ako ng tingin sakanya.
"What do you think you're doing huh?!" sigaw nito na kamuntik na akong mapa talon na lamang sa takot. "Ilang ulit ko ng sinasabi sa'yo, na hinding-hindi ka aalis sa pamamahay na ito! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan Ashley, huh?!"
Naging mabigat ang pag hingga nito na kino-kontrol na lamang ang emosyon, samantala naman ako tahimik lamang at takot na takot na.
"G-Gusto ko lang naman tulungan si M-Manang Puring, ano bang masama sa ginawa k--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang binalibag niya sa harapan ko ang mamahalin na vase na muntik ng matamaan ako.. "Ahh!" napa takip na lamang ako ng mukha na marinig ang nakaka hindik na pag kabasag no'n na ilang pulgada na lamang ang layo no'n sa akin.
Nanginginig na ang katawan ko sa takot at doon na bumuhos ang luha sa mata ko, na kanina pa pinipigilan na naka titig sa mata nitong puno ng dilim at nakaka-takot.
"Tulungan?" manunuya nitong wika. "O baka plano mong tumakas muli kaya ka gumagawa ng paraan!" parang gripo na lamang na lumalandas ang luha sa mata ko. Gusto kong mag salita at mag paliwanag pero wala na akong lakas pa dahil napaka bigat na ng dibdib ko.
Pakiramdam ko na may naka patong na mabigat na bagay sa dibdib ko na hindi ako makapag salita, kundi hikbi na lamang ang tanging magawa ko.
"I'm sorry," sapat na ang hina ng boses ko na marinig niya ang bagay na iyon. Bumaling ng tingin si Drake sa akin at pinagalaw ang panga nito.
"Sorry? Paulit-ulit na lang ba tayo, Ashley?" uyam nitong wika. "Because of that your grounded, hindi ka lalabas sa pamamahay na ito ay lalong-lalo na rin hindi ka rin lalabas ng kwarto hanggang hindi ka natutoto," salita nito at tinalikuran niya na ako.
Bawat hakbang ng kanyang paa paalis, lalong nag panikip pa lalo ng dibdib ko.
ganito na naman ba?
Ikukulong niya na naman ako?
"Bakit ginagawa m-mo ito sa akin?" garalgal kong wika na kusang napa tigil si Drake sa pag lalakad, walang plano pa rin na lingunin man lang ako. "Ano bang kasalanan ko sa'yo at pilit mo akong kinukulong sa lintik na pamamahay na ito?" hirap kong wika na dumadaloy lamang ang luha sa mata ko
"Tumigil kana, Ashely," mahina at may pag babantang asik nito.
"Hindi, makinig ka sa akin." Matapang kong sagot, hindi ko alam kong saan ko hinuhugot ang lakas nang loob kong sagut-sagutin na lamang siya ng ganito. "Sabihin mo sa akin, ano bang maling nagawa ko para ganituhin mo ako, ha? Ano? Alam ko naman na baon si Itay sa pag kakautang sa'yo, pero bakit ganito ang trato mo sa akin, Drake? B-Bakit?" nanatiling naka talikod si Drake at ang katahimikan nito ang mag panikip ng puso at damdamin ko.
Nanatili lamang akong naka titig sa malapad nitong likod at umaasa na maka-kuha ng anumang kasagutan mula sakanya. Hindi na siya nag salita pa at nag lakad paalis sa living area at iniwan ako.
Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang mawala siya sa aking mga mata at doon na ako napa hagolhol na lamang ng pag iyak.
Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito, Drake?
ASHLEY'S POV
"Good evening po Señorita," bati ni Manang Puring na kakapasok lang nito sa silid.
Umayos ako ng pagkakaupo sa malambot na kama at doon ko lamang nakita na may bitbit pala itong tray na lamang pagkain. Nang malanghap ko ang mabangong pagkain na naka lagay doon ay, mas lalong naragdagan ang gutom na naramdaman ko.
Dahan-dahan na itong nag lakad papunta sa kinaroroonan ko at pagkatapos nilapag nito ang tray sa ibabaw ng kama ko.
"Kamusta na po ang sugat niyo Señorita?" tanong ni Manang nan aka tayo lamang sa gilid ng kama.
"Okay lang po ako Manang Puring," tipid na lamang akong ngumiti sakanya. Ngumiti na lang ang matanda sa akin at ramdam ko ang pananahimik nito. "Eh, ikaw Manang okay lang po ba kayo?" tanong ko pa dahil panigurado napagalitan ito ni Drake dahil sa pag aya kong lumabas kanina. "Pasensiya na po talaga kong maski kayo napagalitan at nadamay sa pag labas ko," wika ko pa.
"Okay lang ako Señorita.. Huwag niyo na dapat akong alalahanin" ngumiti siya ng ubod ng tamis sa akin, kahit alam kong pilit lamang na mga ngiti na iyon. "Siya nga pala, pinag handa ko kayo ng hapunan dahil alam kong hindi pa po kayo kumakain.. May mga gamot na rin akong hinanda." paala nitong muli at tumango naman ako sakanya.
Maya-maya pa, nag paalam na sa akin ang matanda na lumabas. Nang masiguro kong naka alis na nga ito, doon ko lang nilantakan ang pag kain na dinala nito at aaminin kong gutom na gutom na ako na hindi naka kain kanina ng tanghalian dahil na rin sa sama ng loob ko kay Drake.
Matapos niya akong iwan kanina sa living area, hindi ko na siya muli nasilayan pa. dinala na lang ako ng mga tauhan niya sa silid naming at para ikulong muli.
Nang matapos na akong kumain, mainggat akong bumaba sa kama, masakit pa rin ang ibang parte ng katawan ko sa natamong sugat at medyo ng masama rin ang pag bagsak ko kanina. Tinuwid ko pa ang pag kakalakad ko at medyo ika-ika pa nga kumilos, at kinuha na ang tray para mailagay na iyon sa kusina.
Mabagal akong kumilos na nag lakad at malalim na nga ang gabi dahil pasado alas onse na ng gabi at panigurado lamang pinuslit lamang ni Manang sa mga tauhan at iba na palihim niya akong dinalahan ng pag kain sa kwarto.
Nang matapat na ako sa pintuan at dahan-dahan na pinihit iyon pabukas. Ganun na lang ang saya na naramdaman ko, na hindi naman iyon naka lock at panigurado naka limutan ni Manang na i-lock iyon pag labas niya kanina ng silid. Pag labas sa kwarto, ay puno ng ingat kong inihahakbang ang aking mga paa sa marble na tiles dahil ayaw kong magising at malaman na lumabas ako.
Pakiramdam ko, nag mimistula na akong mag nanakaw sa ginagawa ko dahil iniiwasan ko talaga ang maka gawa ng inggay o anumang tunog na mag paagaw ng atensyon ng mga tauhan na nag babantay at lalong-lalo na rin si Drake.
Napaka-dilim sa hallway sa ikalawang palapag ng Mansyon at konti na lang ang naiwan na ilaw na naka-bukas. Hinakbang ko na ang paa ko pababa ng hagyaan at pansin ko na wala ng mga katulong ang naiwan na gising dahil panigurado nag papahingga na sila.
Sapat na rin ang maliliit na ilaw para makita ko ang daan sa paligid ko. Nang maka baba na ako ng hagdan, ay dali-dali na akong tumungo sa kusina at nilapag ko sa lababo ang tray para maka panhik kaagad ako sa silid na hindi nila namamalayan na lumabas ako saglit.
"What are you doing here?" Isang malagong at nakaka takot na boses sa aking likuran na sanhi mapa talon ako sa pag kagulat.
Napahawak ako sa aking dibdib at kumabog iyon ng sobrang bilis na para bang hihimatayin na ako sa takot. Ramdam ko ang panginginig at pamumutla ko sa takot at kaba dahil kilala ko ang nag mamay-ari ng boses na yon.
Shit!
Nalintikan na!
Bakit siya pa?
Pinikit ko na lamang ang aking mga mata para pakalmahin ang t***k ng aking puso at pati na rin ang takot na nararamdaman ko. Inipon ko ang lakas kong dahan-dahan na hinarap ang maitim na pigura ni Drake na naka-tayo sa likuran ko at kanina pa ako pinapanuod nito.
Naka-sandal si Drake na hindi inaalis ang malamlam na pag titig nito sa akin. Kahit may kadiliman, nakita ko ang guwapong mukha at naka suot ito ng white longsleeve at nirolyo na lamang ang sleeves hanggang siko nito. napaka-anggas ng tindig nito at malamig ako tinitigan.
"Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba malinaw na ang bilin ko sa'yo na hindi ka lalabas ng silid hanggang walang pahintulot ko?" matabang nitong wika na bahagyang inayos ang salamin sa mata.
"B-Binaba ko lang naman iyong pinagkainan ko," nauutal kong paliwanag na pinag papawisan na ako ng malala.
walang reaksyon man lang ang mukha nito.
"Go to your room this instance!" utos nito na mag panic na ako.
"O-Oho," taranta kong wika na hindi na malaman ang gagawin.
Aalis na sana ako sa kusina at biglang nag pahabol ito ng sasabihin kaya't napa-tigil naman ako.
"By the way," pag bibitin nito na pigil-hiningga naman ako na baka saktan o pagalitan niya ako.
"I like your Hello Kitty Undies," anito at kusa na lang akong napa-pikit ng mata ko sa kahihiyan.
Nakita niya iyon? Takte naman oh.
Hindi na ako sumagot pa at maski lingunin siya, hindi ko na magawa dahil sobra ng namumula ang pisngi ko sa kahihiyan na hindi ko na ata siya kayang harapin pa matapos na makita niya iyon. Dali-dali na lang ako umalis ng kusina para pumanhik pabalik ng aking silid.
Nakaka-hiya ka talaga Ashley, nakaka-hiya ka talaga.