Chapter 24 Hanggang sa maka uwi sila ni Manang Puring sa mansyon, iniisip nya pa din ang bagay na nakita nya kanina sa palengkean. Hindi sya pwedeng mag kamali na si Don Ramon nga yong nakita nya kanina, ang Ama ni Drake.. Kahit nababalot na ng putik ang katawan nito at malaki ang pinayat nito. Tumubo at humaba na ang balbas at buhok nito, hindi nito mapapalitan ang mga nakita nya. Malinaw na malinaw sakanya na Ama nga ni Drake ang nakita nya kanina. Kinagat nya ang ibabang labi nya at doon sya napa isip muli. Pero papaano? Papaano sya napunta sa isang pulubi? Ang alam nya iniwan ni Don Ramon ang kanyang mag ina at sumama ito sa ibang babae. Pero bakit nag ka ganun ang lahat? Gulong-gulo na sya sa mga nakita at nalaman nya. "Señorita?" Nabalik sya sa realidad ng marinig nya ang bo