Chapter 25 "D-Drake" para syang nilamon ng takot at kaba ng makita nya na naka tayo ang binata sa kanyang harapan. Paano? Paano nito nalaman kong asan sya? Maraming mga katanungan ang namuo sa kanyang isip. Hindi nya alam kong paano nalaman ng binata kong asan sya. Nilunok nya na lamang ang naka barang laway sa kanyang lalamunan para itago ang kaba at takot na namuo sa kanyang dibdib. Tinignan nya si Drake at napaka dilim at nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit habang naka tingin sa kanyang Papa. Sa bawat segundong lumilipas mas lalong kinakain ang takot ang kanyang sarili dahil kitang-kita nya ang pag igting ng panga ng binata na para bang pinipigilan nito ang galit at emosyon. Nagulat na lamang sya ng nilampasan sya ni Drake at dire-diretso itong nag lakad papasok sa maliit