Chapter 16: Underworld

1300 Words
Aira "Muli tayong nagkita, binibini." Isang tinig ang kumuha sa aking atensyon. Agad akong napalingon nang marinig ko ang tinig na ito. Nanlaki ang aking mga mata nang muli kong makita lalaking naging dahilan ng pagtungo namin sa kakaibang mundo na ito. Ang lalaking pinagmulan ng lahat at dahilan kung bakit kailangan kong harapin ang lahat ng pagsubok na ito. Nakasuot siya ng mahabang balabal na animoy isang miyembro ng kulto. Ang kanyang mga mata ay napalilibutan ng kulay itim na eyeliner. Maikukumpara ko ang kanyang hitsura sa isang gothic na mayroong maraming tattoo. Tinapunan ko siya ng matalas na tingin at mariing kinuyom ang aking kamay dahil sa galit na aking nararamdaman. "Sa wakas nakita rin kita, Hadi!" matapang kong wika. Tumaas ang gilid ng kanyang labi nang simulan kong magsalita. "Hindi ko akalaing magagawa mong makapasok sa mundong ito. Hindi maikakaila ang hiwaga sa inyong magkapatid. Pero bago ang lahat," sa pagpitik ng daliri ni Hadi, naramdaman ko ang pagbigat ng aking kamay at paa, noon ko lang napansin na may isang liwanag ang tuluyang gumapos sa aking mga kamay. Bilog na bagay na animoy posas, dahilan upang hindi ako makagalaw. "Pakawalan mo ako!" sigaw ko sa kanya saka nagpupumilit na pumiglas sa posas na ito. Nagsimula siyang lumpakad patungo sa aking kinaroroonan, saka tiningnan si Ate Faria na nasa loob ng malaking aquarium sa aking likuran. "Kailangan kitang igapos upang hindi mo matawag ang iyong mga alagad," saad niya. "Napakaganda niya, hindi ba?" muli niyang wika. Kumikinang ang mata niya habang tila nabibighani ang mga tingin sa aking kapatid. "Ano bang plano mo! Pakawalan mo na kami ng ate ko!" sigaw ko. "Hindi! Hinding hindi ako susuko tulad ng pinangako ko sa aking Reyna. Hindi ako papayag na siya lang ang magsasakripisyo sa aming dalawa!" sigaw niya pabalik sa akin. "Kayo ang may kasalanan kung bakit nagulo ang mundong ito! Kayo ang sakim sa kapangyarihan ng sinasabi mong reyna, kaya wala kang karapatang maghiganti ng ganyan! Aaahh!" Nanlaki ang aking mga mata at nagsimulang hindi makahinga nang mabilis niyang isakal ang kanyang palad sa aking leeg. Hindi ako makagalaw at hindi makahinga dahil sa mahigpit niyang kapit sa aking leeg. "Anong alam mo? Ha?!" galit niyang wika. Napuno ng takot ang aking puso nang tumama ang mga mata ko sa kanyang mata. Nabalutan ng kulay pula ang mata ni Hadi. Tila ano mang oras ay maaari niyang tapusin ang aking buhay. At sa pinakikita ng kanyang mga mata, tila wala na siyang nararamdamang awa. "Wala kang alam sa nakaraan, Aira. Ang alam mo lang ay ang bagay na pilit tinago ng kasaysayan ng mundong ito, kaya huwag kang magsalita na tila alam mo ang lahat, dahil wala pa sa hinliliit ko ang alam mo sa kasaysayan!" Mariin akong napapikit nang mas higpitan niya ang kamay na nakahawak sa aking leeg. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan, dahil tulad ng kanyang sinabi, ang bahagi ng kasaysayan ng Peridious lang ang aking nalalaman. A-Ano ang ibig niyang sabihin? S-Saan nanggagaling ang puot na nasa puso ni Hadi? Mga bagay na tumatakbo sa aking isip. Naramdaman ko ang pagnipis ng hangin na aking nakukuha. Ang pagtibok ng aking puso ay unti-unting bumabagal dahil sa kawalan ng hangin at mahigpit na kapit niya sa aking leeg. Dahan-dahang bumibigat ang talukap ng aking mata, hanggang sa maya-maya lang, unti-unti na itong pumipikit na tila nais nang magpahinga. Marahas akong binitiwan ni Hadi at tuluyang binagsak sa sahig, dahilan upang maramdaman ko ang p*******t ng aking katawan. Bago tuluyang bumigay at pumikit ang talukap ng aking mga mata, pilit kong binukas ang aking labi at tawagin ang kanyang pangalan. Alam ko at naniniwala ako na kahit saan ako mapunta, banggitin ko lang ang kanyang pangalan ay mahahanap at mahahanap niya ako. Sa pagbukas ng aking labi, mahina akong nagsalita, "Zeth..." huling wika na lumabas sa aking labi, hanggang sa tuluyang bumigay ang aking katawan at mablanko ang aking isip. *** Zeth "Zeth..." Nanlaki ang aking mata nang may tinig na bumulong sa aking tainga. "Aira?!" sigaw ko, saka inikot ang aking paningin ngunit tanging malawak na karagatan lamang ang aking nakikita. Nasaan ka, Aira? wika ko sa sarili "Wala siya dito. Tila may kung anong barrier ang humaharang sa atin upang matunton ang kinaroroonan ni Aira," saad ni Pontus na ngayon ay nakasakay sa isang bula. Ang kalahati ng aking katawan ay nanatili sa tubig ng karagatan. Simula nang nawala si Aira sa aming paningin, nawala na rin ang ahas dagat na sumalakay sa amin kanina. Mariin kong naikuyom ang aking kamay. Bakit sa oras na kailangan niya ako, hindi ko siya maprotektahan. Ano ba, Zeth? Ganito ka na ba kahina? Nilagay ko ang enerhiya sa aking talampakan at nagsimulang umahon sa ibabaw ng tubig. Marahan kong nilapat ang aking paa sa ibabaw ng dagat at tuluyang tumayo rito na animoy nakatapat sa semento. "Narinig ko ang tinig niya kanina lang. Tinatawag niya ang aking pangalan," wika ko kanila Pontus at Aranyani. "Kung ganoon, wala talaga rito sa Aira," saad ni Aranyani na kadarating lang ngayon. "Malakas ang kutob ko na binihag siya ni Hadi," wika ni Pontus na ngayon ay patuloy ang paglingon sa paligid at hinahanap si Aira. "Oo, sigurado ang bagay na iyan," tugon ko. Marahan kong nilagay ang aking kamay sa aking puso, saka pinakiramdaman ang t***k nito. Maya-maya lang, naramdaman ko ang init na bumabalot sa aking palad. Ang kapangyarihan ng Aether ay muling bumalot sa aking katawan, dahilan upang lumiwanag ang aking balat. Sa paglabas ng kapangyarihang ito, alam kong makararating ang init na ito sa puso ni Aira. Ngunut sa pagpikit ng aking mga mata, agad na sumikip ang aking dibdib, dahilan upang makaramdam ako ng matinding sakit na animoy dumurog sa aking puso. "Aaargh!" "Zeth!" nag-aalalang sigaw sa akin nina Pontus at Aranyani. Tila nanlambot ang aking tuhod, dahilan upang tuluyang bumagsak ang aking katawan sa aking kinatatayuan. Mabuti na lang at nahawakan ng aking mga kasama ang aking braso at inalalayan ako. Sa madilim na bagay na nakita ng nakapikit kong mata kanina, isang imahe ng mukha ay ang biglang sumulpot sa aking paningin. Ang mukha ni Hadi na may nangninisik na mata. Doon ko mas napatunayang nasa poder niya si Aira, dahil imbes na si Aira ang aking makita, mukha niya ang lumabas. "Nasa underworld kingdom si Aira, sigurado ako roon," wika ko sa aking mga kasama. "Anong dapat nating gawin?" tanong ni Pontus. "Upang makapasok sa underworld, kakailanganin nating dumaan sa Firaga Kingdom," tugon ko. "Seryoso ba iyan? Naku! Alam mo namang ayaw na ayaw kong makita ang lalaking si Ifrit Sun," reklamo ni Pontus. Naiintindihan ko ang kanyang hinaing, dahil ang kaharian ng Firaga ay mortal na kaaway ng kaharian ng Oceana. Noon pa man, ang dalawang kaharian na ito at patuloy na nagdidigmaan. Nang si Reyna Regina ang namuno sa Peridious, pinilit niyang pagbuklorin ang dalawang kaharian, kaya naman nagkaroon ng kapayapaan ang dalawa. Ngunit simula nang muling hatiin ng reyna ang iba't ibang kaharian, muli na namang nagsimula ng digmaan ang dalawa. "Baka pagkakataon na ito upang muli kayong magkasundo," mungkahi ko kay Pontus. "Ah! Bahala na!" iritable niyang sigaw. Sa isang pitik ng kanyang daliri, malakas na umalon ang dagat, animoy may isang malaking bagay ang papalapit sa aming kinaroroonan. Hanggang sa maya-maya lang, isang malaking balyena ang lumapit sa aming kinaroroonan. Agad na umakyat si Pontus sa ibabaw ng balyena na iyon. "Let's go," pag-aya niya sa amin ni Aranyani. "Sige," tugon ko, saka nagsimulang tumalon nang mataas na animoy lumilipad. Marahan akong tumapak sa likod ng balyenang ito at tuluyang nagpadala sa agos ng kanyang paggalaw. Aira, hintayin mo ako. Ililigtas ka namin, wika ko sa aking sarili, saka matalas na tumingin sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD