"Bakit tayo bumalik sa Palasyo, Kamahalan? Ano bang meron?" Walang ideyang nakasunod si Michael kay Prinsipe Johannes matapos nitong sabihin na kailangan nilang mag-usap. Mukhang seryoso ito sa kung anumang pag-uusapan nila kaya wala na siyang nagawa at sumunod na lamang sa prinsipe. Sabay silang umibis ng kotse, hindi na hinintay ng prinsipe na pagbuksan pa siya ng pinto ng kanang-kamay. Nagsimula silang maglakad sa mahabang pasilyo ng Palasyo patungo sa opisina nito. "Ano po bang pag-uusapan natin, Kamahalan?" "Saka mo malalaman kapag binuksan mo na ang opisina mo." Dumako ang kanyang paningin sa Consuejo na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kanya. "Masusunod." Kinuha nito ang susi sa bulsa niya at binuksan ang opisina nito. Nang magawang buksan ito ay siya na ang nagbukas ng ma