Kabanata 24

2057 Words
Naramdaman ni Lyca ang paggawad sa kanya ng mainit na halik ni Prinsipe Johannes. Her insides started to make twists and turns. Her knees were already shaking—thanks to her remaining strength, nagagawa pa niyang tumayo ng tuwid. Nung una ay pasimpleng dampi lamang iyon pero eventually, ibinuka na ng prinsipe ang labi niya at pinalalim pa ang halik, wanting her to open and meet his kisses. She clenched her fists on her sides. The bride of the second prince wished she can close her eyes, respond and give in all the way but there's something inside her inflicting. Pinipigilan siyang gawin iyon. Na hindi 'yon pwede. Kaya bago pa 'man siya masiraan ng bait at tuluyang magpatianod sa imibitasyon nito ay tinulak niya ito palayo. Halata sa mukha ng prinsipe na nagulat ito sa ginawa niya. She turned her heels to face at the back. "We need to wash up, Your Majesty.." She managed to coat her voice. It was cold as an ice. She only heard a long sigh as a response from him and she can already tell that he understood the whole situation. Siguro ay takot rin itong magkasakit. - - - - - Nakasimangot na lumabas ng comfort room si Lyca habang pinupunasan ang kanyang bibig. Matapos niya kasing magbihis ay nakaramdam agad siya ng pangangasim ng sikmura. Mabuti na lamang at pagkatapos niyang mailabas at maisuka iyon ay nawala ang panghahapdi ng kanyang tiyan. "Sigurado ho bang, ayos lang kayo Kamahalan?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Clover na agad sumunod sa kanya kanina. Bagaman pilit, tumango-tango pa rin siya sa assistant. "Oo. Ayos lang ako. Nababad lang siguro kami ng matagal sa dagat, kaya siguro ganon.." Hinain nito sa kanya ang isang baso ng tubig at 'yong isang kapsula ng pain reliever. "Kapag may naramdaman pa ulit kayo, sabihin niyo agad sakin. Ako na po bahala magsabi kay Prinsipe Johannes para makapagpahinga na rin kayo.." Nginitian niya ito at magkasama silang nagbaybay palabas ng kuwarto. Ang sabi kasi ng pangalawang prinsipe ay alas syete ng gabi ihahanda ang hapunan. Habang naglalakad papunta sa hall ay naglaro muna ang kanyang mga mata sa mga ilaw na nakasabit sa bawat poste ng kanilang daraanan. Nasa isang cottage sila. Gawa ito sa kawayan at nipa hut. Simple pero engrande at pinoy na pinoy ang dating. Maging ang mga upuan at iba pang mwebles doon ay gawa rin sa nasabing materyal. Malamig ang simoy ng hangin. Niyakap niya ang sarili. Epekto siguro iyon dahil malapit sila sa karagatan at malapit na rin ang buwan ng Disyembre. Nang makarating sila ay may nakahandang mahabang lamesa sa gitna at isa pang mesa hindi kalayuan dito. Marami-rami na ring nakalatag na iba't-ibang putahe sa mesa. "Oh. Nandito ka na pala.." Simula sa kanya ni Prinsipe Johannes at nilagay iyong platito ng sisig sa mesa. "You're right on time.." Umiwas agad siya ng tingin. Napalunok si Lyca. Hindi dahil sa masasarap na pagkain, kung hindi dahil naalala niya ang nangyari kanina. Pero kung titingnan niya ang prinsipe ngayon, parang wala lamang dito ang nangyari kanina. Paano nito nagagawa iyon? Siya lang ba ang apektado? O baka, galit ito sa kanya dahil tinulak niya ito palayo? Napapikit siya ng mariin. Palagi na lang siyang nakikipag-away sa sarili niya. "Sit down. I'll be right back.." Utos nito sa kanya at bumalik sa kusina. Mukhang may iba pang niluto ang mga ito. Uupo na sana siya sa pinakadulo ng lamesa nang bigla siyang pinigilan sa kamay ni Prinsipe Johannes. "Hep, hep.." He held her wrist as he landed the last plate on the table. "Dito ka uupo?" Pagkatapos niyang tumango dito ay mumulagat ito sa kanya. "Ang haba ng lamesa Lyca, tapos dito ka sa dulo? Mag-sisigawan na lang tayo, ganon ba?" Kahit naman tumanggi siya sa prinsipe ay wala na rin siyang nagawa. Sumunod na lamang siya sa gusto nito. Hinila nito iyong isang upuan sa tabi niya bago siya pinaupo. "Alright.." The second prince rubbed his hands together. "Let's see, what we'll eat first.." Iniikot ng prinsipe iyong bilog sa lamesa. Nagningning ang mga mata ni Lyca habang pinagmamasdan ang mga pagkaing hinanda. Mayroong marinated crabs at lobsters, may ginataang isda at tahong na ginisa, inihaw na pusit, chicharon, hipon at sisig. May minatamis rin na saging at ube halaya sa katabi. Nagsimulang magtubig ang loob ng kanyang bibig. Her tummy started growling, ready to eat at the feast. "Anong gusto mo?" Binalingan siya ng mahal na prinsipe at kumuha ng malaking alimasag. Nilagay nito iyon sa plato niya. "Hindi ka naman allergic sa seafood?" Umiling-iling si Lyca. Napadako ang tingin niya sa kabilang lamesa kung saan naroroon kumakain si Benjie at Clover. "Kamahalan.." Simula niya. Inalis muna ang paningin sa pagkain. "Bakit hindi sila dito kumakain, eh ang luwag luwag ng lamesa?" The royal negotiator shrugged his shoulders. He put the naked crab and lobster over her plate. "I don't know. Maybe because of those rules.." Tiningnan niya iyong talop ng alimango sa kanyang plato. "Rules?" "Well, may sinabi kasi na bawal raw magsama sa iisang hapagkainan ang mga maharlika at 'yong mga nagsisilbi sa kanila dahil sa bad omen na sinasabi. Ewan ko ba.." Sinubo nito ang natalupang hipon. "I haven't tried doing it. You know, might as well avoid it. Wala naman siguro masama?" Dumako ang tingin nito sa plato niya. "Hey, come on. Eat now!" Lyca obeyed the prince and put a leg over her mouth. Nang kinawayan siya ni Clover ay nginitian niya ito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Ngayon niya lang nalaman na totoo nga palang nahahati pa rin ang buhay ng isang maninilbihan sa maharlika, kahit doon sa simpleng pagkain lamang. Sayang. Mas maganda sana kung kakain silang magkakasama. The late night came, she and the prince walked through their respective rooms. Pero nakahiga na siya at lahat ay hindi pa rin siya makatulog. Inaabala kasi siya ng maya't-mayang paghapdi ng kaniyang tiyan. She gulped down another capsule of pain-killer. Hindi naman siguro masama kung iinom ulit siya ng pangalawang beses. Maya maya pa'y naramdaman na niya ang paglipas ng sakit. With a sigh, she grabbed her sweater and stepped out of her room. Nagpunta siya sa balcony at doon ay nakita ang prinsipe. Nakamasid ito sa dagat. Napahinto siya. Huli na naman ang lahat para sana sa gagawing pagtakas dahil nakita na siya nito. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Bungad ni Prinsipe Johannes sa kanya, nakakunot ang mga kilay. "Shouldn't you be in bed at this hour?" "I.." The bamboo floor creaked whenever she ambles a step forward. "I can't sleep.." Hinawakan niya iyong hamba sa balcony. "Same.." Humugot ito ng malalim na buntong-hininga at tumingala sa langit. "Hindi rin ako makatulog.." "Ah." Both of them went silent. Tanging tunog na nangagagaling sa alon sa may dalampasigan at iyong sipol ng hangin ang maririnig. "Nasaan sila?" "Nasa room sa ibaba.." Hinubad ng prinsipe iyong suot na jacket at sinuot sa kanya. "Probably awake. Sipping coffee or something.." "T-Thank you, Your Majesty.." The blonde prince shoved his hands inside his pockets. "You shouldn't be out for too long. Malamig dito.." The bride to be, gripped the black jacket over her arms. The mint aroma aroused her nostrils. She smiled a bit. Unti-unti niyang naramdaman ang init na dala nito. "How are you?" Prince Johannes rubbed his nape as he casted his orbs at her. "Been meaning to ask you that.. for awhile now, pero parehas na rin tayong nawalan ng panahon because of this whole, Royale set-up.." Lumunok si Lyca bago nagsalita. "Ahm, I.. I'm okay.." He nodded at her response, his one leg changed positions with the other. Nakalawit sa labas ng balcony iyong isang braso at ang isa'y tumatapik-tapik sa may hamba. Tumungo ito. "I'm sorry.." He softly whispered. "I'm sorry I brought you to the Palace.." Lyca blinked as she casted her hazel ones to the prince. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ng prinsipe. She tightened her hold on the jacket. "If I hadn't, you could've live your life in a normal way.." Totoo nga. Kung sakali 'man nga na hinayaan siya nitong makatakas nung araw na iyon, baka nga wala na siya sa Palasyo. Pero kung iisipin niya, marami ring magagandang bagay ang dinulot sa kanya sa pagpunta ng Palasyo. Marami siyang nakilalang mga tao na may iba't-ibang ugali at pananaw sa buhay. Nagkaroon siya ng pagkakataon para tingnan at pahalagahan ang kalusugan niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon para malaman ang mga pinagdadaanan ni Prinsipe Johannes, ang malalim nitong sugat na gusto niyang gamutin. Si Prinsipe Johannes, not only the second eledest of the Williams, not only the second prince, not as the royal negotiator but he, as a person. Kasabay ng pag-ihip ng hangin, humarap siya sa prinsipe. "You don't have to apologize, Your Majesty.." Humugot muna siya ng hininga at lumapit pa sa balcony, seeing the light waves from afar. "It's not your fault. It's not you who created and planned this. Wala ka ring alam na mangyayari ito at mabubunot mo iyong numero ko kaya, wag mong sisihin ang sarili mo.." She tucked the strands of her hair behind her ears. Lumakas ng bahagya ang hangin. "Isa pa. Utang ko sa iyo ang buhay ko.." Nginitian niya ang prinsipe habang ang isang kamay ay nasa kabilang ulo niya, not wanting her whole hair to eat up her face. "You actually saved my life.." Looking back, masasabi niyang malaki nga ang naging utang na loob niya rito. Back then, she was suffering from severe depression and anxiety na even her, she can no longer control. She even tried killing her own self again by isolating her own hands against the barbed wires oustide their house. It costs her so much blood. Maraming dugong nawala sa kanya. Napapangiwi siya. Kung hindi siguro dumating ang prinsipe ay marahil ngayon ay nanghihingalo pa rin siya. "What if I told you, you actually did the same to me?" Napaurong si Lyca nang magsimulang maglakad pauna ang prinsipe, wearing that kind of expression on his face na ngayon niya lamang nakita. The wind brushed his golden locks away to his beautiful face. Maamo ang mukha nito at ang mga mata nito ay kumikislap-kislap. It somehow tells her something she understood enough but her hard headed self just keep getting in the way at ayaw paniwalaan iyon. You can't. Napasandal siya sa hawakan ng balcony nang makarating ito sa harapan niya. Nagsimulang magbaybay ang tingin nito sa kanyang mukha na parang pinag-aaralan ang bawat guhit niyon. She gulped and raised her head, meeting his coffee orbs. "I don't know when and how did this happen to me.." Tinaas nito ang isang kamay at pinaglaruan iyong tumakas na hibla ng buhok. Tumaas ang mga balahibo niya sa kanyang katawan. "Basta ang alam ko lang, ikaw lang ang nagparamdam sa akin nito.." With his free hand, hinaplos ng prinsipe iyon sa kanyang pisngi. Nagsimulang magkaribok iyong mga paru-paro sa tiyan niya at sigurado na siyang hindi na iyon dahil ng pagkahapdi ng sikmura niya kanina. Hindi iyon mahapdi at masakit. Masarap pa nga iyon sa feeling. When he cupped her face, may nagsalita na naman sa kukote niya, like stopping her to do the same way the prince was doing. Lyca gently pushed the blonde prince. "K-Kamahalan.." "Lyca.." Paanas nitong sabi habang nakatingin ng malamlam sa kanya. "Why are you hesitating?" Hinawakan nito ang mga kamay niyang nakapigil sa dibdib nito. As if her arms are not enough of a barricade, tinawid na nito ang kaunting espasyo sa kanilang mga labi at pinaglapat iyon. She grappled the shirt of the prince and ever so slowly, gave in. Hindi na niya kaya. Her heart can no longer deny it. The feelings were starting to burst out of her chest. Nahihilo na siya. She responded to his every kisses. The heat was boiling at unti-unti siyang napapaso. Ang bawat haplos ng daliri nito ay parang may mahikang nakakapagpahibang pa lalo sa kanya. She met his deep, and welcoming mouth by angling her head. Napakapit na siya sa balikat nito. "Y-Your Majesty.." "Lyca.." Hinihingal-hingal na binitawan nito ang mga labi niya. "I can't take it anymore.." The prince scooped her bridal style, with his arms circled around his neck. He turned towards a room. At alam niyang hindi niya kuwarto iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD