Kabanata 45

1218 Words

Pinagmamasdan ni Lyca si Lily na ngayon ay tahimik na kumakain ng strawberry cake sa kanyang kuwarto. Kahit na tahimik ito, hindi pa rin nakapirmi ang mga mata nito at naglalaro pa rin sa kabuuan ng kanyang silid. Dinala ni Clover doon sa kuwarto niya si Lily. Pagkakita niya sa kanyang kapatid, agad itong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sinuklian rin naman niya iyon ng kasing-higpit rin na yakap. Hindi niya mapapagkailang namiss niya ang nakakabatang kapatid. Nagsimula itong mangulit sa kanya ng kung ano-ano pang tanong. Yung ilan, dahilan lamang ng likas nitong kuryosidad. Sa edad na siyam na taong gulang, inosente pa rin ito at maraming tanong, hindi kagaya ng ibang bata. Ibang-iba ito sa kanya. Nang magsimula naman itong magkwento sa kanya tungkol sa mga nangyari mat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD