HALIK AT HIPO

2004 Words
ALEXIA POV. MAGILIW ang pakikitungo ni Mama, kay Mr. Hugo Nick. Kaya naman kahit paano naging panatag ang isipan ko. Nang makita kong abala sila sa pag-uusap agad akong tumayo at nagtungo sa kitchen. Kailangan kong ipaghanda ng meryenda si Mr. Hugo Nick. Dahil iyon din ang nais ng aking ina. Bilang pasasalamat na rin sa pabor na binigay niya sa akin. Sinamahan ko ang spaghetti ng masarap na ice coffee. Niluto ko iyon kaninang umaga. Naparami kaya ang sobra ay pinasok sa loob ng fridge. Halos punuin ko ng spaghetti ang isang bowl saka ipinasok sa loob ng microwave. Inilagay ko sa timer ng tatlong minuto saka ako sumandal sa tapat ng sink. At habang naghihintay naisipan kong dumungaw sa likuran ng bahay. Nag-init agad ang ulo ko at nakaramdam ng galit. Dahil iyon sa aking mga nakikita. Si Papa at ang kalaguyo nito ay naroon sa garden. Nakaupo ang mga ito sa bench at malapad ang mga ngiti nila. Talagang hantaran na dinadala ni Papa ang babaeng ito sa bahay namin. Siguro alam ng mga ito na hindi sila makikita ni Mama. Nagmamadali akong lumabas at pinuntahan sila. Tila naman nakakita ng multo si Papa. Pero ang babaeng ito ay makapal talaga ang mukha. Parang hindi ako nakikita at lampasan ang tingin niya sa kabuuan ko. “Papa, wala ka ba talagang kahihiyan? At wala ka rin respeto sa aking ina! Patuloy pa rin ang pagdadala ng kabit mo dito sa bahay?” “Alexia, wala naman kaming ginagawang masama…” “Dahil katatapos nyo lang!” Singhal ko kay Papa. “Akala mo hindi ko kayo nakita kaninang dumating ako? Galing kayo sa loob ng bahay, o tamang sabihin sa loob ng kwarto!” “Anak, wala kaming ginagawa kagaya ng iniisip mo.” hindi ko na pinansin pa ang aking ama. Bumaling ako sa babaeng nagpapanggap na mabait. “Ikaw haliparot, matanong kita, anong nagustuhan mo sa papa ko? Samantalang gwapo ang asawa mo at mukhang mayaman. Nasa itsura din niya na mataas ang pinag-aralan. Samantalang ang aking ama ay driver lang ng provincial bus. Hindi din siya mayaman at sa palagay ko ‘di hamak na matanda si Papa, sa asawa mo…?” “Alexia, tama na anak…” “Hindi ikaw ang kinakausap ko!” putol ko sa iba pang sasabihin ni Papa. Hindi lang yon may diin ang bawat salitang ipinapahayag ko sa kaniya. Saka muling bumaling sa babae na ngayon ay naka de quatro pa ng upo. “Bakit hindi ka makasagot, Ms. Haliparot!” Sinigawan ko na siya sa sobrang gigil ko. Gusto ko na nga siyang lapitan, sampalin ng sunod-sunod. Pagkatapos hawakan ng mahigpit ang buhok niya at kalbuhin. “Wala akong sasabihin sayo, Ms. Alexia.” Sagot nito bago dibampot ang shoulder bag. Pagkatapos ay nagsimula nang mag-lakad palayo. Ngunit hindi ko bibigyan ng kasiyahan ang babaeng ito kaya agad ko siyang hinabol. Mabuti at hindi sumunod ang aking ama. Kaya nang naabutan ko ang ito ay makakas kong hinila sa braso. “Anong kailangan mo?” Matigas rin ang boses na tanong niya sa akin. Hindi kagaya kanina sa harapan ng aking ama. Napaka mahinahon akala mo ay sobrang bait. Hinablot ko ang cellphone niya at mabilis kong dinayal ang numero ko. Saka pinindot ang call, nagulat ako nasa list nito ang aking numero at ang nakalagay na pangalan; Little B*tch. “Kapag may natanggap kang mensahe mula sa akin at imbitasyon. Kailangan mong pumunta sa lugar at address na ibibigay ko. Or else ako mismo ang magsasabi sa asawa mo tungkol sa pagtataksil nyong dalawa ni Papa.” Saka mabilis kong binuksan ang gallery ng cellphone ko. Isang s*x video ang pinakita ko sa kaniya. At agad siyang namutla ng makita iyon. At lalong hindi na rin magawang magsalita. Kaya mabilis akong tumalikod at malaki ang hakbang na bumalik sa loob ng kitchen. Nang mailagay ko sa tray ng maayos ang meryenda ay binuhat ko na ang lahat ng ‘yon. Mahigpit ang hawak ko dahil medyo may kabigatan din. Dinalhan ko rin kasi ng makakain at inumin si Mama. Nang malapit na ako sa kinaroroonan nila. Huminto ako sa paglalakad at humugot ng malalim na hininga. Saka muling humakbang palapit sa mga ito. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay dinig ko na ang malakas nilang tawanan. Kaya naman ayaw kong sirain ang moment na yon ni mama. Bihira lang itong tumawa mula ng maratay sa bed. Muli akong huminto sa gilid at sumandal doon. “Salamat, Hijo, pero seriously kapag wala na ako. Please take care of her…” “Mama! Anong pinagsasabi mo sa lalaking ito?” mabilis akong nakalapit sa kanila. Agaran ko rin tanong bago ibinaba sa center table ang tray. Nakakahiya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Mama, ano na lang ang iisipin ni Mr. hugo Nick, tungkol sa akin? “Ahm… a-anak, may pinag-usapan lang kami.” nakangiting sagot sa akin ni Mama. Ilang oras din nag-stay si Hugo Nick, sa bahay namin. Bago siya nagpaalam, hinatid ko siya sa labas at pinasalamatan. Ang hindi ko inaasahan bigla niya akong hinapit sa baywang. “Gusto ng mama mo na alagaan kita at pumayag ako. Kaya simula ngayon ilagay mo diyan sa iyong isipan ako lang ang may karapatan sayo.” “Anong pinagsasabi mo…” subalit pinutol ng halik ang ibang sasabihin ko. At nanlalaki ang aking mga mata dahil sa ginawang yon ni Mr. Hugo Nick, sa labi ko. Ang nais kong gawin ay malakas siyang itulak palayo. Ngunit tila biglang naparalisado ang magkabila kong braso. Hindi ko magamit parang nawalan ako ng lakas. Lalo pa ng sipsipin niya ang aking dila. Para na akong nakalutang sa masarap na pakiramdam. Napapikit pa ako at yumakap sa kaniyang leeg. Subalit bigla niya akong binitawan at mabilis na iniwan. Agad akong kinabahan baka may nakakita sa amin. Kaya mabilis na nilinga ang paligid. At nakita ko pa ang likuran ni Ms. Cindy. Ibig sabihin kaya ako hinalikan ni Mr. Hugo Nick. Sapagkat naroon sa paligid ang asawa nito? Tatawagin ko sana si Mr. Hugo Nick, upang sitahin. Ngunit wala na rin ito at hindi ko na nakita pa. Kaya nagpasya na akong pumasok ako sa loob ng aming bahay. Nakasalubong ko si Papa, bihis na bihis ito. At humahalimuyak ang mamahaling pabango. Kailan pa gumagamit ng pabango ang ama? Samantalang sa pagkakaalam ko ay ayaw nito sa amoy ng pabango. “Parang bagong sibol na nagbibinata lang, huh!” ani ko pa bago siya nilampasan. Hindi naman sumagot ang ama at diretso lang din ang lakad. GABI, hindi ako mapalagay. Ilang beses ko ng sinilip ang silid na okupado ni Papa. Pero wala pa rin ito kaya sigurado akong magkasama ang dalawa. Nagpupuyos ang kalooban ko sa galit. At agad na bumuo ng desisyon Tinungo ang closet ko at kinuha ang aking pinaka sexy na damit. Mabilis ang kilos ko sa paghahanda. At matapos makapag bihis ay tinungo ko ang pintuan. Hindi na ako nagpaalam kay mama. Sigurado hindi ako makakalabas ngayong gabi kapag nalaman niya. Sumakay ako ng taxi at sinabing ihatid ako sa isang bar. Sigurado ako na naroon si Mr. Hugo Nick. Kanina narinig ko na may kausap ito sa cellphone. At nabanggit ang pangalan ng bar na yon. Sa aking pambisig na orasan ay saktong alas-onse ng gabi. Tamang tama lang siguro ang dating ko. Matapos nakapagbayad ay bumaba na ako ng taxi. Pumasok sa loob at sa totoo lang parang nais kong umatras palabas. Amoy pa lang ng paligid hindi na gusto ng aking ilong. Kaya lang hindi na ako makapaghintay. Huminga muna ko ng malalim bago tumuloy sa loob. “Id?” tanong ng guard na humarang sa akin. Agad kong kinuha ang aking wallet sa loob ng bag. Pagkatapos ay inabot nag student id ko.” Nang tumabi ang guard at binalik sa kamay ko ang aking id. Nagpasya na akong mag lakad papasok sa loob. Madilim ang paligid wala akong makita. Siguro dahil naninibago ang aking mga mata sa dilim. Hindi rin naman nagtagal at unti-unting naaninaw ko na ang paligid. Ang daming customers, kaya naman pala kakaiba ang amoy ng loob. Nang tuluyan luminaw ang mga mata ko sa paligid. Biglang may kamay na humila sa aking braso. Agad akong nag protista at sinikap na kumawala sa lalaki. Subalit hindi ko magawa at akmang sisigaw ako. Nang may tumatakip sa aking bibig at ilong. Binuhat din ako ng lalaki at dinala kung saan. “What are you doing here, Alexia?” tanong niya sa akin nang ibaba ako sa loob ng isang silid. Saka ko lang din nakilala si Mr. Hugo Nick. Luminga muna ako sa paligid at napagtanto kong naririto kami sa loob ng VIP room. “Anong kailangan mo sa akin at bakit dito mo ako dila?” paninita ko kay Mr. Hugo Nick. “Ako dapat ang nagtatanong sayo. Kung anong ginagawa mo sa lugar na ito?” “Wala kang paki… ang ibig kong sabihin. M-Magkikita kami ang classmate ko dito.” “Tawagan mo siya at sabihin na huwag na siyang tumuloy. Sapagkat uuwi na rin agad tayo.” utos ni Hugo Nick, sa kaniya. “Hindi ko yon gagawin, kaya lalabas na ako. At pwede ba huwag mo akong susundan?” sigaw ko pa sa kaniya. Saka humakbang na patungong pinto. “Gusto mong tawagan ko ang mama mo?” napahinto ako sa paghakbang nang marinig ang sinabi ni Mr. Hugo Nick. Pagkatapos ay humarap ako sa kaniya. Nais kong makita sa mga mata niya kung pagbabanta lang ang sinabi nito. “Stay here, samahan mo na lang ako dito. Total naman naririto ka na rin.” saka naupo ito sa mahabang sofa. Dinampot ang bote ng alak at nagsalin sa baso at agad na ininom iyon. Hindi ako sumagot pero nag lakad ako palapit dito at umupo sa tabi nito. Sinalinan niya ng alak ang isa pang baso. Pagkatapos ay inabot sa akin. “Cheers!” sabay taas ni Mr. Hugo Nick, sa baso nito. Kaya napilitan akong damputin ang basong nasa harapan ko. “Cheers.” mahinang sabi ko saka ininom ang alak. Na ngiwi ako sa pait ng lasa. Lalo pa at dama ko ang init na gumuguhit sa aking lalamunan. “Lagi ka bang na punta sa ganitong lugar?” narinig kong tanong niya sa akin. “No… ahm… sa totoo lang unang beses akong nakapasok sa ganito.” pag-amin ko, wala naman dahilan upang magsinungaling pa ako. “Nag-iisa kang nagpunta dito sa akala mo ba safe ka dito?” “Ahm… kagaya ng sabi ko magkikita kami ng kaibigan ko.” pagsisinungaling ko sa kaniya. “I see.” tipid na sagot ni Mr. Hugo Nick, bago muling nagsalin ng alak sa baso nila. Dinampot ko ang baso ko na bagong lagay ng alak. Pero patikim tikim na lamang ako. Hindi kagaya kanina na nilagok ko lahat ang unang salin. At sa totoo lang nakakaramdam na agad ako ng pagkahilo. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak. Nang maubos ko ang laman ng baso ay sumandal ako. Lihim kong minamasdan si Mr. Hugo Nick. At sa puntong yon ay bumalik sa isipan ko ang ginagawa ng asawa nito at ni Papa. Paulit-ulit ang katanungan sa aking isipin. Bakit nagawang magtaksil ni Ms. Cindy? At ang katanungan na yon ay nanatiling naka stock sa isipan ko. Hanggang unti-unti akong nakaramdam ng antok. Agaw kamalayan ako ng maulinigan ko ang boses ng isang babae. At kahit nais kong magmulat ng mga mata ay hindi ko magawa. Siguro dahil sa ilang baso ng alak na na inom ko. Hanggang naramdaman ko na lang na may humahalik sa akin. At dahil doon ay parang mas nadagdagan pa ang kalasingan ko. Lalo pa at ang halik ay tumagal. Nadama ko na rin ang mainit na palad sa aking kabilang dibdib. “Hmm… M-Mr. Hugo…” anas ko sa pangalan na nag-iisang nakatatak sa aking isipan. Hugo Nick Del Fierro, ubod ng gwapo at kaakit-akit ang maskulado nitong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD