HUGO POV.
“ARE you kidding me?” hindi ako makapaniwala at kunot noo habang salubong ang aking magkabilang kilay.
“Sa tingin mo nagbibiro ako?” Saka mabilis akong tinalikuran ng dalaga. At kahit labag sa aking kalooban meron kaming deal kaya dapat ko iyon tuparin.
“Wait!” Malakas kong sigaw kay Ms. Alexia. Pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya” Fine! Pumapayag na ako ngayon na ba tayo pupunta sa bahay nyo?” tanong ko sa kaniya kahit labag sa kalooban ko ang gagawin naming ito. Pero may isang salita naman ako.
“Hindi pa ngayon tatawagan kita isa sa mga araw na ito. Kaya ipagpaliban mo muna kung may pupuntahan ka.”
“May trabaho ako kaya kailangan ko ng sagot mo ngayon din!” Inis kong sagot kay Ms. Alexia.
“Bukas ng hapon hihintayin kita sa bus stop, at huwag kang magkakamaling sumira sa usapan!” May halong pagbabanta ang tono ng pananalita niya sa akin. Nais kong sumagot pero mas pinili kong tumahimik dahil nakikita kong palaban ang babaeng ito. At kapag nakipag talo pa ako ay hahaba lang ang usapan.
“Yes, hindi ako sisira sa pinag-usapan natin. Kagaya ng sabi mo bukas ng hapon sa mismong bus stop.”
“Good!” wika pa nito bago ako tuluyang tinalikuran. Kaya muli akong sumakay ng aking sasakyan at pinausad iyon palayo. Pag sulyap ko sa side mirror nakita kong nakatingin sa akin si Ms. Alexia. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero wala naman akong paki sa babaeng yon. Nagkataon lang na kailangan kong bayaran ang pabor na binigay niya sa akin.
Gabi na rin naman kaya naisipan kong umuwi na lang ng bahay. Alam ko wala pa ang asawa ko dahil nagpapasarap sa piling ng ibang lalaki.
Pagpasok ko sa mataas na gate, hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay. Itinigil ko ang sasakyan sa harapan ng main door at iniikot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Unti-unting umantak ang puso ko at nanubig ang aking mga mata. Sa mahabang panahon ang kirot sa dibdib ko ay muling nanariwa.
Ang lahat ng nakikita ng aking mga mata ay binili ko mula sa aking sariling pera. Dahil tutol ang buong pamilya Del Fierro, sa babaeng pinakasalan ko. At pinamili nila ako kung sino ang gusto kong samahan. Syempre ang asawa ko, siya ang aking sinamahan.
Dahil doon inalisan nila ako ng karapatan sa lahat at nag-back to zero ang buhay ko. Sapagkat mahal na mahal ko si Cindy, ay umalis kami. At nagtungo sa lugar na walang ibang nakakakilala sa aming dalawa. Ang hindi ko inaasahan. Ipina-blocked ng aking ama, ang pangalan ko sa business industry. Kaya wala akong pagpipilian kundi pumasok sa kahit anong trabaho.
Sa simula okay kaming dalawa at masayang namumuhay ng simple. Hanggang nabuntis ko ang aking asawa. Sobra ang kasiyahan ko dahil magiging tatlo na kami. Subalit ang kasiyahang iyon ay agad din naglaho ng sabihin ng asawa ko; kailangan ipalaglag ang bata dahil hindi sapat ang kinikita ko sa trabaho.
Ganun pa man hindi ako pumayag at maayos kaming nag-usap ni Cindy. Ang buong akala ko ayos na ang lahat kaya naging kampante ako.
LUMIPAS pa ang mga araw, linggo at buwan. Kasalukuyan akong nasa trabaho ng may tumawag. Nasa ospital daw ang asawa ko at nag-bleeding. Kaya iniwan ko ang trabaho at pinuntahan siya. Saka ko nalaman ipinalaglag pala nito ang aming anak. At dalawang linggo na palang wala sa tiyan nito ang aming anak.
Sobrang nasaktan ako sa ginawa ni Cindy. Hindi ko matanggap na pinatay niya ang aming anak.
Makalipas ang ilang araw kinausap ako ng doktor. Sinabing kailangan nilang alisin ang ovary ng asawa ko dahil iyon sa maling papapaabort nito sa fake na doktor. Ang masaklap kailanman hindi na kami maaaring magkaroon pa ng anak.
Simula noon unti-unting nawala ang respeto at pagmamahal ko sa aking asawa. Hindi ko na rin siya sinisipingan at lagi akong umiinom ng alak.
Bumalik ako sa realidad ng makarinig ng ingay. Galing sa aking cellphone ang tumatawag.
Na ipilig ko ang aking ulo upang mawala ang masakit na nakaraan sa aking isipan. Saka muling pinausad ang sasakyan patungo sa parking.
Nang makababa at maisara ko ang sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagbukas ko ng ilaw ay sumalubong sa mga mata ko ang wedding painting namin ni Cindy. Muli ay nakaramdam ako sakit sa aking dibdib at nasumpungan ko na lang ang aking sarili ay umiinom ng alak.
Sunod-sunod kong tinungga ang bote ng whiskey, hanggang hindi ko na namamalayan ay lasing na pala ako.
Kinabukasan nagising akong masakit ang ulo at naroroon pa rin ako sa sahig. Ngunit may naamoy akong mga pagkain. Kaya nagmamadali akong tumayo at nagtungo sa kusina. Nakita kong nakatalikod sa banda ko ang aking asawa.
Hindi ako nagsasalita at nananatiling nakatitig sa kaniyang likuran. Bago napapailing na tumalikod at nag lakad na palayo. Pumasok ako sa bedroom at binuksan ang closet saka nagtungo sa loob ng banyo.
Mabilis na naligo at agad din lumabas, pagkatapos dinampot ang mga damit at nagbihis. Paglingon ko ay naroon ang asawa ko, nakatingin lang ito sa akin. Hindi ko na lang pinansin at sa halip ay dinampot ang car key ganun din ang aking wallet.
“Nick, hindi ka na ba kakain?” Huminto ako sa paglalakad pero hindi lumingon.
“Hindi na sa canteen na lang ako kakain.” saka yumuko at nagsuot na ako ng sapatos. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng pinto.
SINIKAP kong mag-focus sa trabaho ngunit pilit na sumisiksik sa isipan ko ang nilalaman ng video recorder. Ganun din ang nakita ko ng aktwal. Kung gaano kasaya ang asawa ko sa lalaking yon.
“Tol Nick, may naghahanap sayo.” Tawag sa akin ng isa sa mga kasama ko.
“Sino daw, Tol Zaldy?”
“Hindi ko kilala, pero mukhang mayaman ganda ng sasakyan eh. Puntahan mo naroon sa waiting area, sige maiwan na kita.”
“Salamat.” Inayos ko muna ang aking ginagawa saka ako naglakad palabas ng talyer. Pag weekend dito ang trabaho ko. Pero mula Monday up to Friday, nasa opisina ako ng CEO, driver bodyguard niya.
Napahinto ako sa paglapit sa taong nakatalikod. Kilalang kilala ko ang babae at lalaking kasama nito. At marahil naramdaman ang presensya ko kaya biglang lumingon.
“Kuya Hugo!” Tawag sa akin Monaliza, saka ito tumakbo palapit at yumakap sa akin.
“I miss you so much, kumusta ka na bakit ganyan ang ayos mo at ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Nagtatrabaho ako dito pag weekend, ahm… paano nyo nalaman na naririto ako?” tanong ko sa kapatid kong bunso.
“Simula pa ng umalis ka sa mansyon alam namin kung masaan ka. May tao si Papa na na naka-monitor sayo.” Sa aking narinig agad akong kinabahan. Posibleng alam ng mga ito ang ginagawa ng aking asawa?
“Umuwi ka na sa mansyon, Kuya Hugo, birthday ngayon ni Papa, halika sumama ka sa akin.”
Umiling ako saka nag lakad palayo. Kahit gusto kong makita ang aking ama. Pero alam ko wala rin magandang sasabihin. Kaya mas mabuti na huwag na lang kaming magkita.
“Kuya Hugo!” Malakas na tawag sa akin ni Monaliza. Pero kumaway na lamang ako sa kaniya bilang sagot. At muling nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa trabaho.
SUMAPIT ang hapon, kagaya ng usapan namin ni Ms. Alexia, nagtungo ako sa bus stop. At saktong pag-park ko ay natanaw kong parating naman siya. Kaya bumaba na ako at saka pinindot ang remote ng sasakyan upang i-lock iyon.
“Ahm… ganyan ba ang itsura mo?” Agad na tanong niya ng maka lapit ako sa kaniya.
“Bakit anong masama sa suot ko?” painosente kong sagot.
“Ahm… pwede bang magbihis ka?”
“Wala akong ibang damit, pwede na ito. Sabihin mo na lang sa iyong mama kalalabas ko mula sa trabaho.” aniko dahil wala akong planong magpalit ng damit. Kahit may mga damit naman sa loob ng sasakyan.
Ang hindi ko inaasahan nang bigla siyang lumapit sa akin. Pagkatapos ay pinunasan ang aking mukha, gamit ang wipes. Saka inayos ang buhok ko ko na bahagyang tumatakip sa maliit kong noo. Hindi ko tuloy mapigilan titigigan ang mukha niya. Ang maganda nitong mga mata na tila nangungusap. Ganun din ang matangos na ilong, makinis na pisngi at natural na mapupulang labi. Hindi ko mapigilan lumunok ng laway dahil tila nanunuyo ang lalamunan ko.
“Halika na, okay na siguro ang ganyan. Basta pag nasa harap ka ni Mama, sabihin mo lang ang pangalan mo. At pag nagtanong kung saan tayo unang nagkita; dito sa bus stop. Ano pala ang trabaho mo kung sakaling tanungin din ng tungkol doon?”
“Ano pala ang gusto mong isasagot ko sa iyong mama?”
“Yung totoo, lahat ng sasabihin mo totoo lang sana. Except doon sa married ka na, ganun din ang tunay mong edad. Dahil sa tingin ko mas malaki ang tanda mo sa akin.”
“Okay, ahm… doon pala ako nagtatrabaho sa talyer at sa opisina ng CEO, bodyguard niya ako.” Matapat kong sagot sa dalaga.
“I-Ilang taon ka na pala?”
“Thirty-five years old…”
“Pwede bang sabihin mo lang ay 25-years old? Hindi naman halata na matanda ka na eh. Baka kasi hindi naniniwala si Mama, na nobyo kita. Sobrang layo ng aged gap natin eh.”
“Bakit ilang taon ka na ba, Ms. Alexia?”
“Twenty years old pa lamang ako sa darating kong kaarawan.”
Hindi ko magawang sumagot kay Alexia. Basta nakatitig lang ako sa kaniya. Ang aking isipan ay naroon sa sinasabi nitong edad. Fifteen years ang gap ng edad naming dalawa. Sinong maniniwala na nobya ko ang babaeng ito?
“Malayo ba dito ang bahay nyo?” Sa halip ay yon ang lumabas na salita sa bibig ko.
“Dyan sa unang kanto pakanan pag galing dito sa bus stop. Halika na at baka naiinip na si Mama.” Bago nag paunang humakbang. At agad naman akong sumunod sa kaniya.
Habang palapit kami sa bahay nila. Bigla na lang akong kinabahan nang hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Kaya pagdating namin sa tapat ng bahay nila. Mariin akong pumikit ng ilang segundo. Pagkatapos ay huminga ng malalim at saka nagmulat ng mga mata.
“Okay ka na ba?” mahinahon tanong sa akin ni Ms. Alexia.
“Yeah, i’m okay.” at humakbang na kami papasok. Subalit biglang na pahinto sa paghakbang si Ms. Alexia. Kaya mabilis kong sinilip kung sino ang tinitingnan nito. At ganun na lang ang gulat ko ng makilala ang aking asawa. Akmang magsasalita ako ng bigla akong hinila ng dalaga. Pagkatapos ay tumakbo kami patungo sa likuran ng bahay.
“Hindi ka dapat makita nila.” Wika pa ni Ms. Alexia.
“Why?”
Ngunit umiling na lang ang dalaga sa kaniya. Pagsulyap ko sa mga mata nito ay luhaan na ito.