HUGO POV. One day ago… NAGULAT ako nang buksan ko ang pintuan. Naroon ang babaeng lasing na yumakap sa akin sa loob ng elevator dalawang araw na ang nakalipas. “Anong ginagawa mo rito? At paano ka nakaakyat?” iritado kong tanong, ngunit sa halip na sumagot ay ngumiti lamang siya. Pagsulyap ko sa pintuan ni Pareng Kenneth, isang painsultong ngiti ang bumungad sa akin mula sa kanyang mukha. Papalapit na sana ako para tawagin siya nang biglang sumara ang pinto ng unit niya. “Master Hugo, sino ang babaeng ’yan?” tanong ni Edo, nasa likuran ko pala siya. “Hindi ko rin kilala. Ikaw na ang bahala sa kanya,” sambit ko sabay talikod. Ngunit napahinto ako nang may sumulpot na ideya sa isip ko. Sa palagay ko, hinahamon talaga ako ng kambal. Pagbibigyan ko sila… hihintayin ko ang oras na kailan

