PAG LILIGTAS NG MAG-ATE

2032 Words

ALEXIA POV. NAGPATULOY ako sa mabagal na pagmamaneho, sinunod ang sinabi ng bata. Hindi nagtagal ay natanaw ko si Ms. Gezelle, mabilis niyang itinutulak ang kariton habang palinga-linga sa paligid, halatang balisa. Binilisan ko ang takbo ng sasakyan. Nang tumapat ako sa kanya, agad kong binuksan ang bintana. “Ms. Gezelle, sakay!” malakas kong sigaw. “Bilisan mo! May mga humahabol sa’yo!” Napahinto siya, tila nag-aalinlangan, habang panay ang lingon sa paligid. “Malapit na sila,” dagdag ko. “Siguradong sasaktan ka nila!” “Ate Gezelle! Naririto po ako!” malakas na sigaw ng bata. “Sumakay ka na, tutulungan nila tayo!” Doon pa lamang niya binitawan ang kariton at tumakbong palapit sa sasakyan. Agad kong pinindot ang unlock habang hinahatak niya ang pinto at nagmamadaling pumasok sa loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD