ELLEN POV Pakiramdam ko’y palagi akong minamasdan ni Sir Argus. Minsan naiisip kong baka may mga nakatagong kamera sa paligid, ngunit wala naman akong makita. Ilang ulit na akong pumasok nang mas maaga sa opisina para halughugin ang bawat sulok—mula sa kisame hanggang sa ilalim ng mesa—ngunit wala pa rin. Marahil ako na ang nagiging paranoid, kakaisip kung paano ako muling makakapag-online bilang streamer. Simula nang maging boss ko si Mr. Del Fierro, hindi ko na nabubuksan ang aking VIP account. At hindi puwedeng magpatuloy ito—saan ako kukuha ng pambayad sa mansion, penthouse, at mga sasakyan ko? “Ms. Aragon! Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Naghihintay si Big Boss sa parking!” sigaw ni Ms. Arsenia. “Oh—pasensya na. May tinatapos lang akong importante sa email,” kas

