ELLEN POV. KINABUKASAN, pagpasok ko pa lamang ay maingay na ang buong departamento. Halos lahat ng taong madaanan ko sa floor ay napapatingin sa akin, wari’y may alam silang hindi ko pa nalalaman. Malapit na ako sa pintuan ng opisina nang may marinig akong pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita si Victoria na nakatayo sa ‘di kalayuan… ang kaisa-isang taong itinuturing kong kaibigan. “B*tch! Sampung taon na pala kayong mag-asawa, wala ka man lang binanggit sa akin?” singhal niya… hindi galit, kundi pabiro, may kasamang ngiti sa labi. Napakamot ako sa ulo at agad ko siyang hinila papasok sa loob ng opisina. “Ang ingay mo, nagsisigaw ka pa sa harapan ng mga empleyado,” saway ko habang palinga-linga. “Malandi ka! Kulang pa ang mga sinabi ko. Dapat nga tinanong pa kita kung masarap ba

