ARGUS POV. HINDI ko pinapansin si Aneth simula nang araw na umalis siya kasama ng kaibigan niyang si Ms. Victoria... kahit hindi ko pinayagan. Tinamaan ang ego ko… pinagpalit pa niya ako sa kaibigan, samantalang engaged naman na kaming dalawa. At ang sinasabi ni Ms. Victoria na annul ang kasal namin, totoo iyon. Gumawa ako ng paraan upang mapawalang-bisa iyon sapagkat ang pangalang Marialenneth Aragon ang nasa Marriage Contract. Kahit pa ikalawang pangalan ni Aneth iyon, ang gusto ko ay ang tunay niyang pangalan ang nakasulat sa Marriage Contract naming dalawa. Ngunit dahil lamang sa ayaw kong payagan si Aneth, bigla na lang akong ibinuking ni Ms. Victoria… walang pasabi, walang awa. Nang sumapit ang oras ng uwian, tumayo na ako at hindi man lang nilingon si Aneth. Dumiretso ako sa pint

