ELLEN POV. Hindi niya ako pinapansin. Galit pa rin si Sir Argus. Akala ko ay maayos na ang lahat nang puntahan ko siya sa penthouse, ngunit ngayon na narito kami sa opisina, ni isang ngiti ay hindi niya maibigay. Magsasalita lamang siya kapag may nais iutos o may kailangang itanong. Pagkatapos noon, katahimikan na naman ang namamagitan sa amin. Buong araw kaming walang imikan, kaya’t tila nanlalagkit na ang laway ko sa kakapigil magsalita. Gaya na lamang ngayon… uwian na ngunit wala pa ring pagbabago. Kaya minabuti kong pumasok muna sa banyo upang mag-toothbrush. May paanyaya si Arrizon: dinner kasama ang kanyang ama at bago nitong pamilya. Kahit labag sa loob ko, hindi ko rin nagawang tumanggi. Paglabas ko ng banyo, wala na si Sir Argus sa kanyang mesa. May kung anong kirot ang gumuhit

