ELLEN POV. ILANG araw na ang lumipas mula nang magkita kami sa dinner ni Sir Argus… ang gabing iyon na hindi ko malilimutan dahil sa biglaang sabunot na inabot ko mula sa ina ni Ms. Harem. Sa kabila ng lahat, pinili kong umiwas. Ayokong balikan ang nangyari, at higit sa lahat, ayokong itanong kay Sir Argus kung ano ba talaga ang relasyon nila ng babaeng iyon. Ngunit tila ayaw akong tantanan ng tadhana. Kakalabas ko pa lamang ng opisina at patungo na sa parking nang biglang humarurot ang isang sasakyan. Kung hindi ako agad tumabi, tiyak na nasagasaan na ako. Nanginginig pa sa nerbiyos ang aking katawan, ngunit pinilit kong silipin ang plate number ng sasakyan bago ito tuluyang mawala. Kahit mabigat pa rin ang kaba sa aking dibdib, nagmadali akong makarating sa sarili kong sasakyan. Pagk

