ALEXIA POV. SINIKAP kong balewalain. Kahit ilang araw na ang nakalipas nang may nangyari sa amin ni Mr. Hugo Nick, ngunit para itong virus na patuloy nananatili sa aking isipan. Naalala ko pa ang mga markang iniwan niya. Ang mga pulang pantal na kumalat sa buong katawan ko at sa pamamaga ng aking kaselanan, nakakatiyak akong ilang ulit naming ginawa ang bagay na iyon. Ang higit na nakapagtataka… sino ang nagbukas ng pinto ng silid na kinaroroonan ko upang makapasok ang lalaking iyon? Maliwanag pa sa aking alaala na si Mr. Fred Mercedes mismo ang naghatid sa akin hanggang pintuan. Tiniyak ko ring naka-lock ito bago ako humiga sa kama. “Manager, ayos ka lang ba?” Napatuwid ako ng pagkakaupo mula sa aking swivel chair nang marinig ang boses ng isang waiter. “A-ano nga ang sinabi mo?” nahi

