ELLEN POV NANG dumating sa bansa si Senyor Del Fierro, agad kaming naghanda upang magtungo sa kanilang bahay. Pinatawag ko si Iris Mae sa isa sa mga kasambahay at ipinasabing aalis kami. Ngunit wala pang isang minuto ay nasa harapan ko na agad siya. Napakabilis naman yata niyang nakarating. Malayo ang kanyang silid sa amin ni Sir Argus kaya’t nakapagtataka kung paano siya nakapunta agad dito. “Iris Mae, saan ka galing? Bakit parang napakabilis mong nakarating?” tanong ko. “Tumakbo po ako, Ate Aneth,” nakangiti niyang sagot, bahagya pang hinihingal. “Bakit ka naman tumakbo? Ano ang sinabi sa’yo ni Isang?” “Ngayon ko raw po makikilala si Papa?” mabilis niyang tugon. Halata sa kanyang mukha ang labis na pananabik na makita ang ama. “Totoo iyon. Hihintayin lang natin ang Kuya Argus mo a

