TRES MARIAS

2053 Words

ARGUS POV. ARAW ng panganganak ni Aneth. Hindi pa man ganap na nagsisimula ang matinding labor, mariin na niyang ibinilin sa kanyang doktor na hindi ako papayagang pumasok sa delivery room. Ayaw daw niyang makita ko ang paghihirap niya habang isinisilang ang una naming anak. Ayaw ko sanang pumayag. Paano ko siya iiwan sa oras na iyon? Ang gusto ko’y magkasama kami sa lahat ng bagay… lalo na sa bahagi ng buhay na puno ng sakit, takot, at tapang. Ngunit wala akong nagawa. Nang dalhin siya ng mga staff papasok ng delivery room, sinabi nilang anumang sandali ay lalabas na raw ang aming anak. At ngayon, heto ako sa waiting area. Palakad-lakad. Pabalik-balik. Hindi mapakali. Kanina pa ako nilalamon ng kaba. Bakit ang tagal? Ano na ang nangyayari sa loob? Ligtas ba si Aneth? Kumusta ang ana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD