ELLEN POV. SA araw-araw, nauubos ang oras ko sa mga bata. Kahit may mga yaya sila, palagi pa rin akong nasa tabi ng mga anak namin. Hindi ko na namamalayan ang paglipas ng mga araw, at habang lumalaki ang aming Tres Marias, lalo akong naging abala sa kanilang tatlo. Unti-unti kong nararamdaman na nagkukulang na ako sa aking asawa. Hindi naman siya nagrereklamo, ngunit napapansin kong palagi na siyang late umuuwi ng bahay. I don’t know if it’s normal for someone like me to feel this suspicious. Simula nang manganak ako at bumalik sa trabaho ang asawa ko, tila nawala ang oras na dati naming inilalaan para sa isa’t isa. Sinisikap kong alisin sa aking isipan ang posibilidad na baka may babae ang asawa ko. Ngunit pilit itong bumabalik… lalo na’t ramdam kong tila wala na siyang gana sa akin.

