ARGUS POV Four hours ago…. Madilim pa ang paligid nang tuluyan akong makalabas ng bahay. Tahimik ang ang buong mansion at ang tanging ingay ay nagmumula sa fountain ng mga halaman. Marahil kabubukas lang iyon ng hardinero. Sa gabi alam ko laging puyat si Aneth, sa pag-aasikaso lalo na kapag nagugutom ang tatlong bata kaya hangga’t maari aya kong nasisira ang tulog niya. Subalit iba ngayon, sinadya kong hindi siya gisingin, hindi dahil ayaw kong maistorbo ang tulog. Kundi dahil alam kong sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, baka mabasa niya agad ang laman ng isipan ko na pilit kong itinatago. Ayokong makita niya ang pag-aalinlangan sa aking mga mata… ang pangamba, ang guilt, ang takot na baka masaktan ko siya kahit wala akong ginagawang mali simula ng maging kami. Simula na

