ELLEN POV. DUMATING si Sir Argus, ngunit hindi ko siya kinausap. Wala na ring dahilan upang maging maayos pa ang trato ko sa kanya. Ni hindi ko man lang siya sinulyapan. Panindigan niya ang mga ginawa niya. Iwas ako nang iwas, sapagkat ramdam kong gusto niya akong kausapin. Marahil iniisip ng lalaking ito na matatanggap ko ang lahat, na dahil may tatlo kaming anak, matatakot akong iwan siya o mangangamba sa pagpapalaki sa mga bata. Hindi. May mga yaya kami, at may kakayahan akong pasahurin sila. Hindi iyon ang isyu. Nang akma niya akong lapitan, mabilis akong tumalikod at umalis. Ngunit naabutan niya ako at bigla akong niyakap nang mahigpit. “Bitaw!” mariin kong utos. Hindi siya nakinig. Wala akong narinig na sagot, nanatili lang siyang nakayakap. Ramdam ko ang mukha niyang nakasanda

