Narating ko rin sa wakas ang gate ng village namin. Agad akong nakilala ng dalawang security guards at dali-dali akong pinagbuksan ng gate. Saglit akong sumilong sa labas ng guard house. “Ma'am ba’t naman po kayo naliligo sa ulan?” tanong ni manong guard sa akin. Nanga-asar ka ba kuya? “Naku manong, wala na kaming tubig sa bahay kaya napagpasyahan kong maligo na lang sa ulan. Sayang lang at hindi ako nakapagdala ng sabon at shampoo," sarkastikong sagot ko sa kanya. “Ano ka ba Manong, naiwan ko ang payong ko! Wala ba kayong payong d’yan?” Napakamot na lang s’ya sa sariling ulo. “Naku Ma’am, pasensya na po. Dinala po ng isa pang guard ang payong. Nagro-roving po s’ya sa ngayon. Tumingin ako muli sa langit. Mukhang matagal pa bago matapos ang ulan. Nagpasya na lang akong sumugod muli to

